Pagpapanatili ng PH sovereignty, territorial integrity sa 2023, tiniyak ng DFA chief

Pagpapanatili ng PH sovereignty, territorial integrity sa 2023, tiniyak ng DFA chief

December 26, 2022 @ 9:34 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nangako si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo nitong Linggo na ipagpapatuloy ang pagpapapanatili ng soberanya at territorial integrity ng bansa sa susunod na taon.

Inihayag ito ni Manalo sa kanyang Christmas message, at idinagdag na itutulak din niya ang pag-ambag sa ikauunlad ng ekonomiya, pagprotekta sa overseas Filipinos, at pagpapalakas sa kalagayan ng bansa sa global community.

“In the coming year, the Department of Foreign Affairs (DFA) will continue to work with its partners and stakeholders in upholding the country’s sovereignty and territorial integrity, contributing to economic progress, protecting kababayans abroad, and enhancing the standing of the Philippines in the global community of nations,” aniya.

Inihayag din ni Manalo na ang ahensya “reaffirms its commitment to actively maintain its engagement with the international community and advance Philippine interests abroad to ensure a stable and safe political, economic, and social environment for all Filipinos.”

Tiniyak din niya na ibibigay ay “steadfast” support sa mga Pilipino sa ibang bansa at kanilang mga pamilya sa “timely and efficient” na paghahatid ng mga serbisyo.

Hiniling naman ni Manalo, at kabuuan ng DFA, ang kagalakan, kapayapaan, at maayos na kalusugan para sa mga Pilipino sa  buong mundo ngayong holiday season.

Gayundin, nagpasalamat siya sa mga kasamahan sa Philippine Foreign Service “who continue to serve the nation with unparalleled patriotism, excellence, and integrity in the face of changes and unprecedented challenges.” RNT/SA