Pagpapangalan ng COVID variants base sa bansa, pinalagan ng DOH

Pagpapangalan ng COVID variants base sa bansa, pinalagan ng DOH

March 13, 2021 @ 3:12 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Hindi sinang-ayunan ng Department of Health (DOH) ang pagpapangalan ng COVID variant sa bansa kung saan ito unang natukoy upang maiwasan ang diskrimasyon.

Ayon kay Anna Ong-Lim, expert-member ng DOH technical working group, nakumpirma na ang mutation ng N501Y at E484K sa Central Visayas noong nakaraang buwan at tinawag na P.3 variant.

“We want to do away with calling this as Philippine variant. It’s not an acceptable practice and we try to veer away from that,” saad ni Ong-Lim sa Laging Handa briefing.

“Kasi nga ayaw na natin ‘yung practice na ginagamit ang lugar to assign the name of the variant kasi nga medyo nakaka-cause ng discrimination, when in fact puwede naman siyang nakikita rin sa ibang lugar.”

Naunang kinumpirma ng DOH ang  P.1 variant na unang na-detect sa Brazil sa isang returning overseas Filipino mula Western Visayas.

 “Upon verification with the Phylogenetic Assignment of Named Global Outbreak Lineages (PANGOLIN), the said samples with these mutations have been reassigned to the P.3 variant, belonging to the B.1.1.28 lineage, to which the P.1 variant also belongs,” saad ng DOH.

“Thirteen additional cases were detected in this batch which bring the total P.3 variant cases in the country to 98.”

“The DOH, UP-PGC, and UP-NIH emphasize that at present, the P.3 is NOT identified as a variant of concern as current available data are insufficient to conclude whether the variant will have significant public health implications,” punto pa rito. RNT/FGDC