Pagpapangalan ng Roosevelt Avenue sa QC sa Fernando Poe Jr. Avenue tinintahan na ni Digong

Pagpapangalan ng Roosevelt Avenue sa QC sa Fernando Poe Jr. Avenue tinintahan na ni Digong

January 13, 2022 @ 2:36 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Opisyal nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas naglalayong ipangalan sa namayapang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. ang Roosevelt Avenue sa Quezon City.

Sa pamamagitan ng Republic Act 11608 pinalitan na bilang Fernando Poe Jr. Avenue ang Roosevelt Avenue sa Quezon City.

Ipinag-utos ng batas sa Department of Public Works and Highways na magpalabas ng kaukulang “rules, orders, at circulars” para ipatupad ang nasabing probisyon sa loob ng 60 araw mula sa effectivity date.

Labis naman ang pagpapakumbaba ng anak ni FPJ na si Sen. Grace Poe at pamilya nito sa nasabing batas.

“FPJ Avenue gives my father’s works and legacy a sense of place in our nation’s history,” ayon kay Senador Poe.

Nauna rito, nagkaisa ang mga senador sa kanilang pagboto noong Lunes, September 13, na ipangalan kay Fernando Poe Jr. ang Roosevelt Avenue, Quezon City bilang pagkilala at pagpupugay sa King of Philippine Movies.

Sa ginanap na botohan, 22 ang bumoto pabor sa pag-apruba sa panukala na layuning kilalanin ang kontribusyon sa bansa ni FPJ, na pumanaw noong 2004.

Tanging si Senador Grace Poe, anak ni FPJ, ang nag-abstain sa botohan dahil sa “conflict of interest.”

“It is so heartwarming to see your reaction to this vote. I purposely abstained that it might be a conflict of interest but in my heart, I am so happy that this passed,” ayon sa senadora.

Si Senador Lito Lapid, isa ring aktor, ang nagsulong sa Senado ng panukala, na unang inirekomenda na ang Del Monte Avenue ang ipangalan kay FPJ, kung saan nakatayo ang kompanya nito.

Pero inirekomenda ni Senate President Tito Sotto, isa ring nangmula sa showbiz, na amyendahan ang panukala, at sa halip ay ang Roosevelt Avenue ang ipangalan kay FPJ dahil sa naturang lugar umano lumaki ang namayapang aktor.

Bukod dito, may malalim umanong bahagi ng kasaysayan ang San Francisco del Monte District na itinatag noon 1590 ni Fr. Pedro Bautista.

ā€œRetain the name Del Monte Avenue, a landmark and witness to many historical events dating back to the 1590s, and preserve the living traditions of San Pedro Bautista, a saint who actually walked the streets of San Francisco del Monte,ā€ ayon sa pahayag noon ng Basilica Minore de Santuario de San Pedro Bautista

Ang Roosevelt Avenue ay ipinangalan kay dating US president Franklin Delano Roosevelt.

Matatandaang, binawian ng buhay si FPJ dahil sa cerebral thrombosis at multiple organ failure noong December 14, 2004.

Mahigpit naman ang naging pagtutol ng mga pari sa San Francisco Del Monte Church.

Sinabi ng Order of Friars Minor ng Franciscan Province of San Pedro Bautista na may historical, religious, at cultural significance ang Del Monte Avenue na itinuturing nilang sagrado.

Bukod sa alay kay St. Francis, namalagi, nagdasal, nagnilay-nilay, at naglingkod ang Franciscan missionaries at si Pedro Bautista sa San Francisco Del Monte. Kris Jose