Pagpapapasok ng Chinese nationals sa Pinas, pinahihigpitan ni Poe vs COVID

Pagpapapasok ng Chinese nationals sa Pinas, pinahihigpitan ni Poe vs COVID

January 3, 2023 @ 3:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Senador Grace Poe na habang umuusad palayo sa epekto ng technical glitch sa paliparan, dapat antabayanan ng Executive ang isang pang napanahong isyu sa pangangailangan ng mahigpit na COVID testing sa lahat ng pasaherong galing sa China bago alisin ang paghihigpit sa Enerco 8.

Sinabi ni Poe na ibinalik ang mandatory COVID test at iba pang paghihigpit ng bansang US, UK, France, Canada, Japan, South Korea, India, Israel, Morocco, Italy at Spain sa pagpasok ng Chinese nationals sa kanilang bansa.

Aniya, kailangan nang magdesisyon ang bansa hinggil sa bagay na iit at dapat ipabatid kaagad ito sa lahat ng manlalakbay.

“The lack of proactive policies on the matter is concerning amid the rapidly developing situation overseas. Our experience in the past three years of the pandemic has shown that delayed and uninformed COVID-related policies are sometimes more deadly than the pandemic itself,” ayon kay Poe.

“Now that we have reopened again, we need to build confidence that the Philippines is well-positioned and, hopefully, now better informed in the fight against COVID,” dagdag ng mambabatas. Ernie Reyes