Pagpapapasok ng mga ‘di bakunado target ng DFA, pero mas mahabang quarantine

Pagpapapasok ng mga ‘di bakunado target ng DFA, pero mas mahabang quarantine

January 28, 2022 @ 5:53 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Ikinokonsidera ng Department of Foreign Affairs is ang pagpapapasok sa mga hindi bakunadong manlalakbay ngunit magkakaroon ng mas mahabang quarantine period.

“We are considering letting in the unvaccinated but with long quarantines,” lahad ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr.

Papayagan din ang mga bakunado galing sa visa-fee countries kung sila ay bakunado na.

“The vaccinated will be allowed in provided they come from visa-free countries and present mutually recognized vaccination cards. Hurray,” dagdag pa nito sa Twitter post.

Maaalalang noong 2021, sinabing tanging fully vaccinated lamang na mga dayuhan ang tatanggaping makapasok sa Pilipinas.  RNT/FGDC