Pagpaparehistro ng franchise agreement ng MSMEs ipinag-utos ni PDu30
May 16, 2022 @ 2:37 PM
2 months ago
Views:
133
Remate Online2022-05-16T14:37:53+08:00
MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Lunes ang bagong requirements para sa franchise holders ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) gaya ng pagpaparehistro ng franchise agreements at paglikha ng Franchise Registry.
Ito’y matapos na ipalabas ni Pangulong Duterte ang Executive Order (EO) 169 na naglalayong palakasin ang franchising industry para sa proteksyon ng MSMEs.
Nakasaad sa EO 169 na “states that in registering of franchise agreements with the Department of Trade and Industry (DTI) and establishing Franchise Registry under DTI, franchisors will be responsible for registering their franchise agreements with the DTI, provided that franchisors that are members of duly registered franchise associations will register with the DTI their standard franchise agreement and execute an undertaking that all future franchise agreements with MSME franchisees will incorporate the minimum terms and conditions prescribed under Section 2 of EO 169.”
Nakasaad sa Seksyon 2 ng EO 169 na nagbibigay ng minimum terms and conditions ng franchise agreements gaya ng:
-
pangalan at paglalarawan ng produkto o serbisyo sa ilalim ng prangkisa;
-
tiyak na karapatan na ipinagkaloob sa MSME franchisee, gaya ng subalit hindi limitado sa karapatan na gamitin ang marka o anumang intellectual property rights na rehistrado sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL);
-
Buong pagsisiwalat sa kahit na anumang “pre-signing, initial or recurring fees, ” gaya ng subalit hindi naman limitado sa franchise fee, promotion fee, royalty fee o anumang “related type of fee’ na maaaring ipatupad sa MSME franchisee;
-
detalyadong responsibilidad ng franchisor kabilang ang “enumeration of the types and particulars of assistance” at pagsusumite ng franchise agreement sa DTI;
-
detalyadong responsibilidad ng MSME franchisee;
-
non-discriminatory provisions;
-
durasyon o tagal ng prangkisa at terms and conditions para sa renewal;
-
epekto ng at grounds para sa pre-termination, termination or expiration ng franchise agreement;
-
probisyon ukol sa “cooling off” period kung saan ang MSME ay binibigyan ng opsyon na i-terminate ang kasunduan.
-
mekanismo para sa dispute resolution kung saan dapat ay kabilang ang “stipulation that parties may seek voluntary mediation under Republic Act No. 9285 or the Alternative Dispute Resolution Act of 2004; at
-
remedyo ng mga partido sa oras na mayroong anumang paglabag sa terms and conditions of the franchise agreement
Gayundin, ang EO 169 ay “mandates that all franchise agreements entered into by and between a franchisor and an MSME franchisee within the Philippines should be in writing and duly notarized.”
“The franchising industry plays a crucial role in sustaining the country’s economy by creating job opportunities, boosting consumption, and promoting tourism,” ang nakasaad sa EO 169.
“There is a need to intensify government efforts to strengthen the franchising industry to help businesses, especially MSMEs, by developing a transparent and business-friendly environment, and promoting fair and equitable practices,” dagdag pa nito.
Base sa rekord ng Philippine Statistics Authority “as of 2019, MSMEs represent 99.5% of businesses in the Philippines, 68% of which are into franchising.”
“Compliance with the inclusion of the foregoing minimum terms and conditions in the franchise agreement may entitle the franchisor to incentives or benefits to be provided by the national government,” giit ng EO 169.
“For this purpose, the DTI is hereby directed to formulate and enact measures for the entitlement to incentives of qualified franchisors, subject to existing laws, policies and regulations,” anito pa rin.
Magpapalabas naman ang DTI ng guidelines sa loob ng 90 araw mula ng maging epektibo ang EO 169.
“Franchisors with existing franchise agreements with MSMEs, on the other hand, will have to comply with these new requirements upon renewal of their respective franchise agreement with MSME franchisees,” ayon sa ulat.
Ang isang negosyo ay kinukunsiderang MSME kung ang value ng assets ay nakapaloob sa range na P50,000 hanggang P20 milyong piso. Kris Jose
June 30, 2022 @6:48 PM
Views:
2
MANILA, Philippines- Nagbabala ang Commission on Human Rights (CHR) nitong Huwebes hinggil sa censorship at inihayag nag “grave concern” ukol sa mga naging desisyon na i-block ang ilang website at bawiin ang setipikasyon ng news organization na Rappler.
“We caution against censorship or any move similar to it, which harms press freedom and results in a chilling effect that attempts to deter free speech and liberty of association under a democracy,” pahayag ng komisyon, na tinutukoy ang desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC)na i-block ang website ng progressive groups at news organizations na inaakusahan ni outgoing National Security Advisor Hermogenes Esperon Jr. na may kaugnayan sa “communist-terrorists,” at sa pagbawi ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa certificates of incorporation ng Rappler.
Binigyang-diin ng komisyon ang kahalagahan ng right to information, free speech, at expression ng mga indibidwal at iginiit na hangga’t hindi lumalabag sa batas ang paggamit nito ng isang indibidwal “any form of curtailment is undue and unjust.”
“Democracy thrives on the free exchange of ideas, including dissent and opposing opinions, that allows everyone to participate in shaping laws and policies for the general welfare of the people,” sabi ng CHR.
Dahil dito, umapela ang CHR sa pamahalaan na igalang at protektahan ang karapatang-pantao alinsunod sa Konstitusyon at sa international human rights standards.
“Silencing criticism and dissent only detracts from our shared goal of nation-building,” ayon sa komisyon.
“We reiterate that under a democracy the goal is to balance the respect, promotion, and fulfilment of the rights of all. Let us take part in healthy and responsive discourse with citizens across diverse sectors, as the right to truth—like the ostensible mission of journalism—must always be rooted in accountability, integrity, and objectivity,” dagdag nito. RNT/SA
June 30, 2022 @6:36 PM
Views:
13
MANILA, Philippines- Naging tropical depression na ang low-pressure area (LPA) sa silangan ng Northern Luzon at pinangalanang “Domeng,” ayon sa PAGASA nitong Huwebes.
Iniulat ng PAGASA na ang center ng tropical depression Domeng ay namataan 940 kilometro East of Extreme Northern Luzon hanggang nitong alas-3 ng hapon. Mayroon itong maximum sustained winds na 45 kilometers per hour malapit sa center at gustiness hanggang 55 kilometers per hour patungong northwestward sa bilis na 15 kph.
Magiging maulan sa mga probinsya ng Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan dahil sa trough monsoon at sa Southwest Monsoon.
Gayundin, ang monsoon at Southwest Monsoon ay magdudulot ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon.
Sa natitirang bahagi naman ng bansa ay makararanas ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms brought about by the localized thunderstorms.”
Inaasahan din ang moderate to strong winds at coastal waters sa northern at western sections ng Luzon habang sa natitirang bahagi naman ng bansa ay magiging light to moderate ang hangin at slight to moderate ang coastal water conditions.
Inilahad pa ng PAGASA na ang tropical depression “Caloy” ay naging tropical storm na tinatawag na ngayong “Chaba” matapos lumabas sa Philippines Area of Responsibility ngayong Huwebes. RNT/SA
June 30, 2022 @6:24 PM
Views:
19
MANILA, Philippines- Pormal nang nanumpa and bagong halal na mayor ng Muntinlupa City na si dating Congressman Ruffy Biazon kahapon kay Executive Judge Myra Quiambao kasama pa ang ibang halal na opisyal sa nakaraang May 9 local election.
Ang panunumpa ni Biazon kasama ang dating mayor na ngayom ay Congressman ng lungsod na si Jaime Fresnedi, Vice-Mayor Artemio Simundac at mga konsehal ay isinagawa sa Filinvest Tent, Alabang, Muntinlupa.
“Together, in this transition, we are putting into place political reforms that we hope future public servants will also advocate and pursue. Through this initiative, we aim to leave behind the outdated, obsolete and overdue brand and style of politics and replace it with one that exemplifies professionalism, principles and proactivity,” pahayag ni Biazon.
Sa pahayag ni Bizaon ay kanyang isusulong sa ilalim ng kanyang administrasyon ang Mayor’s Action Center, one-stop-shop para sa mga pangunahing serbisyo gaya ng medical assistance, burial and iba pang serbisyo para sa mamamayan ng Muntinlupa.
“Maaaring may mga pagkakaiba tayo sa pinanggalingan, kaugalian at pananaw. Pero dapat tayo ay nagkakaisa sa hangarin na i-angat ang ating mga kababayan at ang ating lungsod. Sa ating pagkakaiba-iba, tayong lahat ay pare-parehong Muntinlupeño na ang pangarap ay magkaroon ng mapayapa, maayos at maginhawang buhay,” dagdag pahayag ni Biazon. James I. Catapusan
June 30, 2022 @6:14 PM
Views:
12
MANILA, Philippines – Nalasap ng Gilas Pilipinas ang mapait na pagkatalo kontra Tall Black ng New Zealand, 106-60, sa kanilang unang laban sa 3rd window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Auckland, New Zealand.
Ginamit ng Tall Blacks ang matinding sigwada sa first half, kung saan agad nilang dinurog ang national team at nilimitahan ang Gilas sa walong puntos kontra sa 24 sa unang quarter at tapusin ang half sa iskor na 47-21. Humabol ang Gilas, 23-13, sa opening frame.
Matapos ang nakadidismayang first half, naging agresibo ang national team at nagpakita ng impresibong laro sa third quarter kung saan umiskor ang Gilas ng 22 points, pero nanatiling malakas ang New Zealand at hinawakan ang 73-43 na kalamangan sa payoff period.
Samantala, ipinagpatuloy ng Tall Blacks ang kontrol sa laro na nagresulta sa pagtipa nila ng kanilang ikaapat na panalo sa torneo.
Sa nakaraang window ng qualifiers, tinalo rin ng New Zealandad ang Gilas, 88-63.
Dahil sa pagkatalo, nalugmok ang Gilas sa kartadang 1-2 sa tournament at babalik sila sa bansa upang sagupain naman ang higanteng team ng India sa Linggo ng gabi sa Mall of Asia Arena.
Target ng Gilas na talunin ang India.RICO NAVARRO
June 30, 2022 @6:12 PM
Views:
17
MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 25 indibidwal na dumalo sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa National Museum of Fine Arts nitong Huwebes ang nakaranas ng pagkahilo at high blood pressure.
Ayon sa mga tauhan ng Department of Health, dinala sa tent ng medical team sa museum ang mga pasyenteng edad 40 hanggang 55 taon.
Anila pa, siyam pang indibidwal na dumalo sa inagurasyon ang nagpa-check ng kanilang blood pressure.
Halos 7,000 indibidwal kasama ang VIPs ANG dumalo sa inagurasyon, ayon kay Manila Police District spokesperson Police Major Phillip Ines. RNT/SA