Pagpaparehistro ng SIM cards isinulong sa Kamara

Pagpaparehistro ng SIM cards isinulong sa Kamara

July 12, 2022 @ 1:36 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Upang hindi magamit sa anumang pandaraya at krimen, isinulong ng apat na kongresista sa pangunguna ni House Majority Leader at Leyte Rep. Martin G. Romualdez ang panukalang magsusulong na i-rehistro ang lahat ng subscriber identity module (SIM) cards ng mga postpaid at prepaid mobile phone.

Sa kasalukuyan ay pawang SIM cards para sa postpaid mobile o cellular phone subscriptions ang kinakailangang i-rehistro.

Kasama ni Romualdez na naghain ng House Bill 14 o SIM Card Registration Act sina Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander Marcos, Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre ng Tingog party-list.

“This bill seeks to require ownership registration of SIM cards to eradicate mobile phone-aided criminal activities.”

Binibigyang-diin pa sa panukala na ang mababang halaga ng SIM cards at mabilis na pagmamay-ari nito ay “have resulted in the democratization of mobile communications, possibly contributing to a more leveled playing field in terms of employment, education and access to public information.”

Sa ngayon ay nabibili ang mobile phone SIM card sa halagang P30 sa mga tindahan.

Tinukoy ng apat na may-akda ng HB 14 ang ulat ng World Bank noong 2020 na nagpapakita na 137 cellular phone subscriptions sa bawat 100 Filipinos na nangangahulugan na ang ilan ay hindi lamang iisa ang pag-aaring mobile phone.

“On the other hand, having an unregulated SIM card market has also given way to several mobile phone scams. The cases range from simple text messages asking users to send cellular loads, to more sophisticated voice phishing methods and marketing spams that are used to gain unauthorized access to sensitive personal information of unsuspecting mobile phone users,” ayon pa rin sa panukala.

Binanggit din na maraming ng cellular phone service providers ang nagtanggal, nag-alis o nagbaklas ng milyong text messages at SIM cards matapos makatanggap ng mga reklamo mula sa mga subscribers subalit marami pa ring scammers ang mabilis na nakapagpapalit ng SIM cards dahil sa nabibili ito sa mga tindahan ng walang kahirap-hirap.

“Furthermore, due to the lack of SIM card registration, it becomes nearly impossible to trace the persons behind the text scams and hold them accountable for fraud, breach of data privacy or other punishable offenses that they committed using an unknown mobile number.”

Ang panukalang ito ay isinulong upang isailalim sa regulasyon ang distribusyon ng SIM cards upang huwag ng magamit sa panloloko, krimen at agarang mapapanagot ang sinumang gagawa ng mga scams at data breaches.

Sa ilalim ng HB 14 ang mga public telecommunications entity (PTE) o authorized seller ang siyang magpapalagda sa numbered registration form na iniysu ng PTE.

“The form shall include an attestation that the person appearing before the seller is the same person who accomplished the document and that he presented valid identification cards. The PTE or its authorized seller shall not sell a SIM card if the end user refuses to comply with the registration requirement, which will also apply to foreigners.”

Hihinging impormasyon sa form ang pangalan ng subscriber, date of birth, gender, address na siyang nakasulat sa valid ID na may larawan kasama ang na-assign na mobile number at serial number. Meliza Maluntag