Pagpapasinaya sa solar powered pump sa Ecija, pinangunahan ni Antiporda

Pagpapasinaya sa solar powered pump sa Ecija, pinangunahan ni Antiporda

February 25, 2022 @ 10:45 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Isinagawa ng National Irrigation Administration Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems Division VI ang Groundbreaking ng Administration Building Ceremony at inagurasyon ng Solar Powered Pump sa Nueva Ecija nitong Huwebes, Pebrero 24.

Isinagawa ang event sa Barangay Cavite, Guimba, Nueva Ecija.  Tinatayang aabot sa P31,593,745.76 ang halaga ng nasabing administration building.

Inumpisahan ang naturang construction noong December 20, 2021 at target na matapos nitong darating na September 15, 2022 ang may lawak na 13,686 square meters na building.

Samantala, itinatayo naman ang solar powered pump sa Villa Rosario, Talugtug, Nueva Ecija na inaasahang magtatapos sa August 18, 2021.

Umabot naman sa 34 na magsasaka ang mabebenipisyuhan ng P9,187,764 halaga ng proyekto na makasasakop sa 50 ektaryang sakahan.

Iginiit ni Antiporda na malaki ang maitutulong ng mga proyekto sa mga magsasaka na hindi na kailangan pang gumastong ng malaki para bumili ng gasolina sa pagpapatakbo ng mga pump.

Giit pa ni Antiporda na malaki rin ang benepisyo ng solar powered pump dahil isa itong renewable energy na maganda para sa kapaligiran.

Ipinangako rin ni Antiporda, sa pamunuan ni NIA Administrator Ricardo Bisaya, ay maaasahang maaasahan mas palalakasin pa ang ang irrigation system sa bansa.

Bukod kay Antiporda ay present din sa event sina NIA Deputy Administrator for Administrative and Finance, Ralph A. Du; NIA-UPRIIS Department Manager, Engr. Rosalinda B. Bote; NIA-UPRIIS Interim Division VI Manager, Engr. Jose Ariel G. Domingo, Ph.D. ; Division VI Federation of Irrigators Associations President, Federico C. Cinense lll at iba pang irrigators association officials. Elsa Navallo