Pagpapasulat sa waiter ng signed letter para kay Alex Gonzaga, nakakabastos! – Gabriela

Pagpapasulat sa waiter ng signed letter para kay Alex Gonzaga, nakakabastos! – Gabriela

January 19, 2023 @ 1:52 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinupalpal ng grupong Gabriela ang pagpapasulat ng isang signed letter mula sa waiter na pinahiran ng cake ng aktres at TV host na si Alex Gonzaga kasabay ng birthday party nito.

Sa naturang liham kasi ay sinasabi ng waiter na si Allan Crisostomo na humingi na sakanya ng tawad si Gonzaga, kasabay ang pagpirma nito.

Ayon sa Gabriela, tila ba bahagi lamang ito ng damage control at sampal sa mukha sa mga manggagawang Filipino.

“As if being publicly slathered with cake across the face while at work was not humiliating enough, Allan was made to sign a letter clearly devised for damage control and cleaning up Gonzaga’s name in the public eye,” ani Clarice Palce, secretary-general ng Gabriela, nitong Huwebes, Enero 19.

Matatandaan na nag-viral nitong nakaraang araw ang bahagi ng video kung saan pinahiran ni Gonzaga ang noo ng waiter ng icing mula sa cake nito kasunod ang tawanan mula sa mga bisita.

Sa liham na kumalat online, sinabi ni Crisostomo na okay na sila.

“This is doubly unjust and demeaning, not just for Allan Crisostomo, but for the millions of workers across the Philippines who are driven to endure daily abuse and degradation while at work,” ani Palce.

“Instead of shaming working-class Filipinos in the name of status and fame, celebrities like Alex Gonzaga need to join us in challenging President Marcos Jr. to address the demands of Filipino workers today: dignified jobs, protection against violence, and the ability to freely speak up, associate, and organize despite the persistent repression of people in power,” dagdag pa niya.

Maliban sa liham, humingi na rin ng tawad si Gonzaga sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, sa pamilya ng waiter.

Samantala, tinanggap naman ng asawa ni Gonzaga na si Mikee Morada na pagkakamali ito ng aktres.

“Bilang asawa at head ng aming pamilya, nais ko lang sabihin na nagkamali ang aking asawa,” ani Morada.

“Madaming mga rason na maaari kong sabihin kung bakit niya nagawa iyon pero walang excuse sa kanyang pagkakamali.”

Sa kabila nito, ipinagtanggol pa rin niya ang asawa at sinabing hindi karapat-dapat ang aktres na makatanggap ng labis-labis na kritisismo sa naturang insidente. RNT/JGC