Pagpapataas ng produksyon ng bigas, umarangkada na – DA

Pagpapataas ng produksyon ng bigas, umarangkada na – DA

July 17, 2020 @ 4:41 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Umarangkada na ang programa ng Department of Agriculture (DA) para pataasin ang produksyon ng bigas ng mga magsasaka upang mapaunlad ang kabuhayan ng mga ito sa kabila ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Ito ang sinabi ng Department of Agriculture matapos tanggapin ni Herminilhilda Mesa ng San Isidro, Paniqui, Tarlac kay Agriculture Secretary William Dar ang isang bag ng inbred rice bilang bahagi ng intervention na ipinagkaloob ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng Rice Resiliency Project (RRP).

Ayon sa DA ang RRP ay bahagi ng programa ng pamahalaan na Ahon Lahat, Pagkaing Sapat (ALPAS) kontra COVID-19 program upang pataasin ang produksyon ng kalidad na bigas sa panahon ng pandemic.

Nabatid sa DA na si Mesa ay kabilang sa lokal na magsasaka mula sa Paniqui na nabiyayaan ng RRP assistance mula sa DA sa pamamagitan ng regional office, ang ayuda ay kabilang ang fertilizer support, na kinabibilangan ng “buy two, take two” scheme.

Sa simpleng pamamahagi ng ayuda sa mga magsasaka na isinagawa nitong Hulyo 16, 2020, sinabi ni Dar na ang agriculture sector ay nananatiling nagkakaisa para matiyak ang food security.

“Nagbibigay po tayo ng ayuda para maitaas ang ani at kita ng magsasakang Filipino,” ani pa nito.

Sinabi pa ng kalihim na itinutulak ng national government ang pagpapaunlad ng agriculture sector at nananatiling isa sa pinakamalakas na halaga ng nation building.

“Labanan natin ang pandemya sa pamamagitan ng pagtatanim. Sa agrikultura, may pag-asa na babangon ang ating bansa, lalagong muli ang ating ekonomiya at tataas ang ani at kita ng ating mga magsasaka,” ani Dar.  Santi Celario


  •  
  •  
  •  

Loading...