Pagpapatigil sa e-sabong papaspasan ng DILG

Pagpapatigil sa e-sabong papaspasan ng DILG

May 4, 2022 @ 8:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kasunod ng pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa e-sabong, inilahad ng isang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ipasasara na ngayong Miyerkules ang iba’t ibang klase ng operasyon ng naturang sugal.

Base kay DILG Usec. Jonathan Malaya, kabilang sa mga operasyon ang live show at mga betting station ng e-sabong. Dagdag pa niya, oras na upang ipatigil ang e-sabong dahil marami na ang nalululong sa sugal.

Isa umano ang kita sa e-sabong sa mga dahilan tinatanggap ng gobyerno sa e-sabong kaya natagalan ang desisyon ni Duterte.

Nabanggit din ni Malaya ang mahigit 30 na nawawalang sabungero, kung saan ilang pulis ang sangkot sa mga pagkawalang ito. Aniya, nakapagsampa na ng kaso laban sa mga suspek sa likod ng pagkawala nila. RNT/SA