Pagpapatikom sa bibig ng Kongreso sa int’l pacts ‘di katanggap-tanggap – Gordon

Pagpapatikom sa bibig ng Kongreso sa int’l pacts ‘di katanggap-tanggap – Gordon

February 17, 2021 @ 10:55 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Richard Gordon na hindi katanggap-tanggap ang pagpapatikom sa bibig ng Kongreso sa isyun ng mga kasunduang pagdaigdigan.

“It’s not my intention to criticize the President here but what I do find really unacceptable is that the Senate must keep its mouth shut on the matter,” punto ni Gordon.

“I want to protect the Senate just in case other people might mistake it to mean that we are being muzzled in the Senate,” dagdag pa ng senador.

Ito ay matapos sabihan ni Pangulon Duterte si Senator Panfilo Lacson na huwag mangialam sa usapin ng Visiting Forces Agreement (VFA) ng US sa bansa.

Ayon pa kay Gordon na batay sa 1987 Constitution, may dalawang-katlong koordinasyon ang Senado sa mga international agreement ng bansa.

“The Senate is the forum of the people. We are allowed our opinion just as President Duterte is allowed his opinion and that’s what makes living in a democracy very beautiful,” aniya.

“The president can say something and we can disagree and we don’t have to go to war with each other. I think the dialogue enriches the positions of our country if we’re all able to listen to each other instead of shouting at one another,” saad pa ng senador.

Lahad pa ni Gordon nirerespeto nito ang estratehiya ng Pangulo sa ibang bansa ngunit aniya ang Senado ay isang sangay ng gobyerno na maaaring mangialam sa mga usaping ito.

“This forum of the people that represents 110 million Filipinos must speak on matters of national security; we certainly have the right to speak and talk about it,” dagdag pa nito.

Mungkahi pa nito sa Pangulo na hayaan ang mga kalihim ng foreign at national defense na makipag-usap sa US tungkol sa VFA kaysa humingi ng kabayaran.

“I believe diplomacy should be undertaken quietly then. I think quiet diplomacy is far more effective,” aniya.

“I think he should say that silently and it should allow his able ministers, particularly [Defense Secretary Delfin Lorenzana] and [Foreign Affairs] Secretary Teddy Boy Locsin, to do the negotiations for him rather than making these statements,” ayon pa sa senador.

Paglilinaw pa ni Gordon na maaari pa ring makialam ang Pangulo sa usapin ng foreign gayundin sa Senado. RNT/ELM


  •  
  •  
  •