Pagpapatuloy ng I-ACT, nakasalalay sa sunod na administrasyon – exec

Pagpapatuloy ng I-ACT, nakasalalay sa sunod na administrasyon – exec

June 23, 2022 @ 5:36 PM 6 days ago


MANILA, Philippines- Depende sa magiging desisyon ng susunod na administrasyon ang  pagpapatuloy ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT).

“Yan po ay naka-angkla po sa susunod na administrasyon kung sinuman po ang susunod na uupong kalihim ng Kagawaran ng Transportasyon,”  ayon kay I-ACT chief Charlie del Rosario sa Laging Handa public briefing.

Sinabi ni  Del Rosario,  maaari ring i-abolish ng susunod na administrasyon ang  council at magtatag ng bagong  task force for traffic.

Samantala, sinabi  ni Del Rosario na itutuloy pa rin ng  I-ACT ang ginagawa nitong pagpuksa sa  mga colorum vehicles  kahit pa may limitadong bilang ng public utility vehicles na nago-operate dahil sa mataas na presyo ng langis.

Sinasabing may  20% hanggang  30%  ng kabuuang  bilang ng mga  provincial buses ang nago-operate dahil sa serye ng fuel price increases, ayon sa Provincial Bus Operators Association of the Philippines. Kris Jose