Pagpapatuloy ng imbestigasyon vs drug war sa Pinas, hirit ng ICC prosecutor

Pagpapatuloy ng imbestigasyon vs drug war sa Pinas, hirit ng ICC prosecutor

June 25, 2022 @ 9:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hiniling ng taga-usig ng  International Criminal Court (ICC) sa  pre-trial chamber na payagan ang pagpapatuloy ng imbestigasyon ukol sa “war on drugs” sa Pilipinas sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Nakasaad sa 53-pahinang resolusyon, sinabi ni  ICC prosecutor Karim Khan  na hindi naipakita ng  Philippine government na nag-imbestiga ito o iniimbestigahan nito ang mga mga mamamayan o iba pa na sangkot sa serye ng patayan na may kaugnayan sa anti-drug campaign.

Matatandaang, pansamantalang itinigil ng ICC  ang imbestigasyon sa anti-drug war campaign ni Pangulong Duterte.

Pinagbigyan ng ICC ang kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas na huwag munang ituloy ang pagdinig sa kasong crimes against humanity laban kay Duterte.

Ayon sa dokumento ng ICC na may petsang Nobyembre 18, pansamantalang sinuspinde ng prosecution ang imbestigasyon habang isinasagawa ang assessment sa scope at epekto ng “deferral request.”

“Notably, the Philippine government makes no reference at all to any investigation into crimes committed before July 2016, nor to any investigation into crimes other than murder—and, even then, only murders allegedly carried out in police operations, as opposed to murders allegedly carried out in other relevant circumstances,” ang pahayag ni Khan sa kanyang request sa  chamber.

“The Philippine government does not appear to be investigating whether any of the alleged crimes were committed pursuant to a policy or occurred systemically, or whether any person in the higher echelons of the police or government may be criminally responsible,” dagdag na pahayag nito.

“For these reasons alone, the Court should not defer to the  Philippine government’s investigation,” aniya pa rin.

Sinabi pa ni Khan  na ang impormasyon at komunikasyon na isinumite sa  prosekusyon ng civil society organizations ay nagpapahiwatig na kailangan ang ICC investigation.

Tinukoy nito ang report ng  Commission on Human Rights (CHR)  hinggil sa  imbestigasyon na sa drug-related killings mula 2016  hanggang 2021, kung saan natuklasan na ang gobyerno ay  “failed in its obligation to respect and protect the human rights of every citizen, in particular, victims of drug-related killings.”

Binanggit din ng CHR ang “culture of impunity” na nagsisilbing pananggalang ng mga perpetrators para papanagutin.

“Similar views and concerns have been communicated to the Prosecution by non-governmental organizations and groups representing victims, all supporting the resumption of the Court’s investigation,” ayon kay Khan.

“Without such an investigation, the prosecution submits that there is a real risk that Rome Statute crimes committed in the Philippines will go un-investigated and unpunished,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, ang hiling naman ni Khan sa chamber ay “issue an order, on an expedited basis, setting out the procedure in deciding his request; receive more observations it considered appropriate from victims and the Philippine government, according to an expedited schedule; and authorize the resymption of the court’s investigation in the situation in the Philippines, notwithstanding the deferral request.” Kris Jose