Pagpapatuloy ng internal cleansing program ng PNP, 1,828 pulis sinibak!

Pagpapatuloy ng internal cleansing program ng PNP, 1,828 pulis sinibak!

August 3, 2018 @ 1:36 PM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Patuloy na isinasagawa ng Philippine National Police (PNP) ang internal cleansing program sa nasa 190,000 pwersa ng pulis sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ayon sa PNP, layunin ng programang ito na unahin ang disiplina sa organisasyon at internal reform sa serbisyo ng mga pulis sa pangunguna ni PNP Chief, Director General Oscar D Albayalde.

Sa datos na inilabas, “since 2016 until the first semester of 2018, a total of 1,828 PNP personnel were summarily dismissed from the service for serious infractions.”

Ang mga nasibak ay kabilang sa 6,401 na tiwaling pulis na napatawan ng penalty para sa iba’t ibang paglabag gaya ng criminal activity, grave misconduct, serious neglect of duty, involvement in criminal cases, serious irregularity, malversation, dishonesty, at graft and corruption.

Kabilang sa mga binigyan ng penalty ay ang 3,589 personnel na binigyan ng suspension, 362 demoted sa kani-kanilang ranggo, 403 ang pinagsabihan, 147 binawian ng sweldo, 43 tinanggalan ng privileges at 29 ang restricted sa quarters.

“Aside from those penalized for administrative offenses, 498 more personnel were investigated for drug-related cases including 266 who tested positive for drug use and 232 for involvement in drug activity,” ayon pa sa Facebook post ng PNP.

Nasa kabuan naman ng 261 ununiformed personnel ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga ang sinibak na rin sa serbisyo habang 92 pa ang karagdagang sinibak, 23 ang suspended at walo naman ang demoted dahil sa kinasangkutan ng drug activity. Remate News Team