Pagpapatuloy ng random antigen testing sa transpo hubs ekis sa DOH

Pagpapatuloy ng random antigen testing sa transpo hubs ekis sa DOH

October 20, 2022 @ 7:32 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hindi sang-ayon ang Department of Health (DOH) sa panawagan ng isang OCTA Research fellow para sa patuloy na random antigen testing sa mga hub ng transportasyon matapos matukoy ang mga bagong variant ng coronavirus sa bansa.

Bilang tugon sa mungkahi ni Guido David ng OCTA, sinabi ng DOH na ang mas naililipat at immune-evasive na Omicron subvariant na XBB at variant XBC na makikita lamang sa pamamagitan ng genome sequencing gamit ang mga sample na nakolekta mula sa RT-PCR tests.

“We would not be able to detect the virus lineage from antigen samples,” pahayag ng ahensya.

Sa panayam, hinimok ni David ang gobyerno na ibalik ang random antigen testing nito sa mga pumapayag na pasahero sa pampublikong sasakyan, lalo na sa mga linya ng tren, upang makakuha ng mas malaking larawan ng presensya ng dalawang bagong variant.

Gayunman, sinabi ng DOH na ang publiko ay dapat nang matutunan na mamuhay kasama ang virus at magpatuloy na protektahan ang sarili laban sa COVID-19.

Kaya naman hinikayat ang mga Pilipino na tanggapin ang kanilang bakuna at booster shots.

“We continue to encourage everyone to get boosted against COVID-19 and arm ourselves with the proper knowledge and ability to assess our individual risk and consequently build our individual defenses by employing the appropriate layers of protection such as masking, physical distancing, sanitation, and ventilation as needed,” ayon sa DOH.

Noong Martes, sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na 81 Omicron XBB subvariant infections ang nakita sa dalawang rehiyon, at 193 XBC variant cases ang naitala sa 11 rehiyon. Hindi tinukoy ng opisyal ang mga rehiyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden