Pagpapatupad ng health protocols sa mass gathering dapat paigtingin ng LGU, mga ahensya – Duque

Pagpapatupad ng health protocols sa mass gathering dapat paigtingin ng LGU, mga ahensya – Duque

December 1, 2020 @ 5:47 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III dapat mas paigtingin ng mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ang pagpapatupad ng health protocols sa mga mass gathering.

“Labag ‘yan sa ating minimum health standards. So ‘yun naman, nakikita mo, walang one meter,” saad ni Duque sa isang panayam ng CNN.

“The point is we can see that there’s been a violation, flagrant at that, as I am looking at it now. So dapat talagang paigtingin pa ng mga pamahalaang lokal at enforcement agencies ang compliance sa minimum health standards,” aniya.

Ito ay matapos ang dinaluhang mass gathering ni spokesperson Harry Roque sa Cebu na hindi nasunod ang social distancing.

Kasama rin dito ang Instagram story ni Jinkee Pacquiao kung saan nakikipag-usap si Senator Manny Pacquiao sa gitna ng maraming tao sa Batangas.

“Nananawagan tayo sa lahat, including government officials, kung meron kayong activities at hindi ninyo kayang ipatupad ‘yung health standards particularly [social] distancing, stop it, huwag ninyo nang ituloy ‘yan. You cannot just say sorry. Mahirap ‘yun,” ayon naman kay Interior Secretary Eduardo Año.

Aniya, magkakaroon ng imbestigasyon sa mga nasabing paglabag. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...