Pagpapatupad ng peace and order sa P’que pinuri ng DILG

Pagpapatupad ng peace and order sa P’que pinuri ng DILG

July 17, 2022 @ 2:21 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinuri ng Department of the Interior and Local Government Unit (DILG) ang lokal na pamahalaan ng Parañaque dahil sa huwarang pagganap at hindi mapapantayang pagpapatupad ng peace and order at public safety sa lungsod ng mga nakaraang taon ng 2019 at 2021.

Sa liham na natanggap ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez nitong Hulyo 6 ay nagpasalamat si DILG National Capital Region (NCR) Director Maria Lourdes Agustin sa Peace and Order Council ng lungsod sa aktibong pakikibahagi ng lokal na pamahalaan sa 2022 local peace and order performance audit.

“The Peace and Order Council Regional Assessment Team commends the council for its exemplary performance in ensuring peace and order and public safety in the community,” nakasaad sa liham na natanggap ni Olivarez.

Base sa performance indicators, ang Peace and Order Council ng lungsod ay nakakuha ng 91.5% rating noong taong 2019 at ng mahigit pa sa perpektong 100.04% rating nitong nakaraang taong 2021.

Matatandaan na si Paranaque City 1st District Rep. Edwin L. Olivarez ang naging chairman ng Regional Peace and Order Council (RPOC) sa National Capital Region (NCR) mula 2019 hanggang 2022.

Sinabi naman ni Olivarez na isang malaking karangalan sa kanya gayundin sa mga residente ng lungsod ang makapag-ambag sa pagpapa-angat ng peace and order sa Metro Manila noong siya pa ang alkalde ng lungsod kasabay ng pangakong kanyang ipagpapatuloy ang pagbibigay ng suporta sa sariling programa ng public safety ng bagong alkalde na kanyang nakababatang kapatid na si Eric. James I. Catapusan