Manila, Philippines – Nagbabala ang isang economics expert kahapon (July 17), na kung ipatutupad ang pederalismo sa bansa, gagastusan ito ng gobyerno ng bilyong-bilyong halaga.
Ayon kay Rosario Manasan, senior researcher mula sa Philippine Institute of Development Studies, gagastos ang gobyerno ng nasa P55 billion kung ipatutupad ang pederalismo sa bansa.
“It will have to come from the pockets of taxpayers,” sabi ni Manasan sa Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, ayon sa statement mula kay Senator Francis “Kiko” Pangilinan.
Samantala, binasa naman ni Dr. Ronald Mendoza, dean of the Ateneo School of Government ang mahigit sa 250 academics na tumutuligsa sa pagsasama-sama ng isang constituent assembly.
Nagbabala naman kamakailan si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na ang mga senador ay magwa-walk out sa huling Congress session sa Lunes kung ang constituent assembly ay magsasama-sama.
“I can tell you now what some of my colleagues might do: they might walk out. A lot of the senators might just stand up and walk out. It will be a mess,” sabi ni Zubiri. (Remate News Team)