Pagpapatupad ng PH solid waste management plans hihigpitan pa ng DENR

Pagpapatupad ng PH solid waste management plans hihigpitan pa ng DENR

February 4, 2022 @ 7:54 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Ipinangako ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang tuloy-tuloy at istriktong pagmo-monitor sa tamang waste disposal ng mga Local Government Unit (LGU) sa layuning mabawasan ang polusyon sa bansa.

Ipinangako ni DENR Environmental Management Bureau (EMB) Assistant Director Vizminda Osorio na magsasagawa pa ng mga makabagong programa ang kagawaran para mabawasan ang polusyon.

“The EMB will continue to monitor and ensure that local government units (LGUs) will properly rehabilitate the 335 closed dumpsites so that it will not pose a negative impact on public health and the environment,” ani Osorio sa 21st anniversary ng Republic Act (RA) 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 nitong Miyerkoles.

May tema itong: “Fast-tracking the Total Solid Waste Management Solution for a Sustainable-Driven Philippines,” pinagdiwang ng DENR ang anibersaryo ng RA 9003 sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center (NAPWC) sa Quezon City.

Dagdag pa ni Osorio, na base sa datos ng EMB data na mula saw along sanitary landfills (SLFs) lang sa bansa noong 2006, ngayon ay mayroon nang 245 SLFs na sineserbisyuhan ang nasa 478 LGUs, o kumakatawan sa 29 percent ng mga syudad at munisipalidad sa bansa.

“This year, our country’s total daily waste generation is around 59,846 tons, and 48 percent or 29,868 tons per day are disposed of in these SLFs. Based on our computation, the country still requires around 2,832 hectares of land or a total of 295 SLFs with a minimum lifespan of nine years to cater to all the residual waste of all our LGUs,” paliwanag ng EMB assistant director.

Para maresolbahan ang isyu sinabi ni Osorio na kumuha na ang EMB ng gma geologist at civil and sanitary engineers apra umasiste sa mga LGU sa paghahanap ng mga akmang lugar para sa SLF. RNT