Pagpapatupad ng price cap sa COVID vaccines mahirap – DTI     

Pagpapatupad ng price cap sa COVID vaccines mahirap – DTI     

November 21, 2020 @ 3:32 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Aminado si Trade Secretary Ramon Lopez na magiging mahirap ang negosasyon ng price ceiling sa COVID-19 vaccines.

 “[Kaya] hindi basta-basta makapaglalagay ng price cap [sa vaccine],” lahad ni Lopez sa isang panayam.

“Example ito ng gamot na pinag-uukulan ng research and development investment at ginastusan talaga.”

Oras naman aniya na magkaroon ng bakuna sa merkado, makaiimpluwensya ang kompetisyon sa presyo nito.

Samantala, tiniyak naman ng gobyerno na libreng mabibigyan ng bakuna laban sa COVID-19 ang mahihirap. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...