Pagpapatupad ng travel ban, maayos – BI

Pagpapatupad ng travel ban, maayos – BI

December 13, 2021 @ 1:38 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Nilinaw ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente na ang implementasyon ng travel ban mula sa 16 bansa ay maayos na naisasagawa.

Kahapon, idinagdag ng Pilipinas ang Portugal sa Red List countries.

“So far the implementation has been going smoothly, we have not excluded anyone coming from the Red List countries for the past week,” saad ni Morente.

Kasama sa listahan na may travel ban ang South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, Mozambique, Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium, Italy, France, at Portugal na epektibo sa Disyembre 15.

Samantala, ang mga manlalakbay naman na darating via bayanihan flights ay papayagang makapasok sa bansa.

“We are still waiting for the directive from the health authorities if there is a need to extend the travel ban.” RNT/FGDC