Pagpapaturok ng mRNA booster shots hirit sa health workers, seniors

Pagpapaturok ng mRNA booster shots hirit sa health workers, seniors

May 20, 2022 @ 3:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippiner- Hinihikayat ang healthcare workers at mga senior citizen na magpabakuna ng messenger RNA (mRNA) COVID-19 vaccines para sa ikalawang booster shot, ayon sa health advisory at assessment body nitong Biyernes.

Inirekomenda ng Health Technology Assessment Council (HTAC), ang pagtuturok ng second booster ng Pfizer o Moderna COVID-19 vaccine upang maiwasan ang symptomatic illness para sa health workers makalipas ang apat na buwan matapos maturukan ng first booster.

Inirekomenda ng council ang bakuna ng Pfizer para sa senior citizens makalipas din ang apat na buwan mula nang unang booster.

“Finally, the HTAC would like to emphasize that these recommendations are interim and it is actively following the latest evidence which is rapidly evolving,” ayon dito.

Binibigyan ng mRNA vaccines ang cells ng instruction kung paano gagawa ng S protein na matatagpuan sa surface ng coronavirus, na nagti-trigger upang makagawa ng antibodies, base sa Mayo Clinic.

Sinabi pa ng HTAC na aprubado ni Health Secretary Francisco Duque ang rekomendasyon nito at umarangkada na ang rollout sa pangangasiwa ng National COVID-19 Vaccination Operations Center. 

Hinihikayat din ng Philippine Medical Association ang eligible sa third o fourth vaccine dose na magpabakuna na kasunof ng omicron subvariant na natukoy sa bansa ayon sa presidente nito na si Dr. Benito Atienza. RNT/SA