Pagpapaunlad sa SSS tututukan ni PBBM

Pagpapaunlad sa SSS tututukan ni PBBM

September 30, 2022 @ 2:54 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Maghahanap ng paraan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para tulungan ang Social Security System (SSS) na maging mas mabisa at produktibo.

“As your President, I assure you that I commit myself to every initiative that will improve the efficiency and productivity of the SSS and thereby improve the lot and welfare of our people,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos sa 65th anniversary celebration ng SSS na idinaos sa Ramon Magsaysay Hall sa East Avenue, Quezon City.

Sinabi pa rin ng Pangulo sa kanyang keynote speech na nakakakita siya ng magandang kinabukasan para sa bansa sa tulong ng SSS.

Itinatag ang SSS noong Setyembre 1, 1975 sa bisa ng Social Security Act of 1954 na naglalayong magsilbi bilang government financial institution na magbibigay ng social security protection sa lahat ng mga manggagawang Filipino.

Sa loob aniya ng anim na dekada, ang SSS ay naging sandigan ng bawat Filipino sa pribadong sektor.

“And the SSS has done this by empowering our employees with equitable and world-class protection, ensuring that they will have a safety net during life’s most difficult moments,” wika ng Pangulo.

“It is only fitting that as we look back at the rich history of the SSS, we highlight the achievements, your achievements in expanding membership coverage, providing enhanced benefits, improving your service capabilities to your stakeholders, and all the other services and products that you provide,” dagdag na pahayag nito.

Pinuri naman ng Punong Ehekutibo ang mga opisyal at empleyado ng SSS para sa pagsisikap at dedikasyon sa trabaho.

“I ask you to keep up the good work. I can see that the SSS still has within its DNA, the continuing service that you are giving and the sensitivity that you show to the actual conditions of our people,” ayon kay Marcos.

Pinuri rin ng Chief Executive ang napapanahong implementasyon ng mga programa ng SSS kabilang na ang Contribution Subsidy Provider Program, Flexible Payment Scheme for Fishermen and Farmers, Contribution Penalty Condonation Program at Consolidated Loan Program.

Layon nito ayon sa SSS na magampanan ang kanilang mandato na magbigay ng safety nets at garantiya sa mga mamamayang Filipino lalo na iyong nasa mahirap na situwasyon.

“With programs like these, which are timely, which are sensitive, which are aware of the condition of our employees, that is then the SSS has much reason to celebrate its 65th birthday, because the job that you have been doing continues to be of great value to our people,” aniya pa rin.

“The SSS’ critical role in strengthening our country’s social protection is more crucial, now more than ever. With the country recovering from the pandemic, with the country trying to recover from the shocks that are coming from the geopolitical situation around the world, still I am truly excited to see more ways in which the SSS will bring its services closer to its members and make a positive impact in the communities that you serve,”litaniya ng Pangulo.

Samantala, ang tema ngayong taon sa anibersaryo ng SSS ay “Kontribusyong Pinag-ipunan, Proteksyong Maaasahan.” Kris Jose