Pagpapauwi ng LSIs sa W. Visayas, pwede na ulit

Pagpapauwi ng LSIs sa W. Visayas, pwede na ulit

September 16, 2020 @ 11:40 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Maari nang magpauwi ng mga locally stranded individual sa Western Visayas provinces tulad ng Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Antique, at Iloilo City matapos pansamantalang bawiin ang two-week travel moratorium sa rehiyon.

Sa ipinalabas na Resolution No. 71 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) nakasaad dito ang temporary suspension ng moratorium sa pagpapauwi ng LSIs sa rehiyon.

Nauna na kasing nagpalabas ng kautusan ang IATF na pagpapatigil ng pagpapauwi ng mga balik-probinsyang residente sa Region IV, Iligan, at Lanao del Sur mula September 7 hanggang 21 base na rin sa hiling ng mga lokal na gobyerno.

“It is hereby resolved that the IATF approves the partial lifting of the temporary suspension of inbound travel by returning residents to Region IV as approved under Inter-Agency Task Force Resolution No. 69 dated September 07, 2020. Therefore, the temporary suspension of inbound travel of returning residents in the provinces of Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, and Antique, including Iloilo City in Region IV is hereby lifted,” saad sa resolusyon.

Nakasaad din sa reso na nakaatang na sa kani-kanilang regional inter-agency task force ang pagpapatupad, pagpapalawig, at pagbawi ng moratorium sa pagpapauwi ng LSIs. Ipatutupad naman ito ng National Task Force. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...