Pagpapauwi sa POGO workers suportado ng Tsina

Pagpapauwi sa POGO workers suportado ng Tsina

September 28, 2022 @ 2:08 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Suportado ng Chinese Embassy ang pagpapauwi sa mga illegal Philippine offshore gaming operator workers na mga Chinese national.

Sa isang statement, sinabi ng embahada na patuloy silang makikipagtulungan sa iba’t ibang paraan katulad ng maayos na komunikasyon at kooperasyon sa mga otoridad ng Pilipinas kaugnay ng pagpapauwi sa mga mamamayan nito.

Dagdag pa rito, mahigpit ring tinututulan ng pamahalaan ng Tsina ang sugal.

“According to the Chinese laws and regulations, gambling in whatever form by Chinese citizens, be it online gambling or gambling overseas is illegal,” anang embahada sa isang pahayag.

Maliban sa makasasama ito sa imahe ng Tsina at ng relasyon ng Tsina at Pilipinas, batid rin umano nila na may hindi mabuting epekto ito sa bansa.

Matatandaan na ilan sa mga senador ang nagpahayag na rin ng suporta na pauwiin na sa China ang mga illegal at overstaying POGO workers sa bansa. RNT/JGC