Pagpasa ng bagong Anti-Hazing Law, ikinatuwa ng pamilya Castillo

Pagpasa ng bagong Anti-Hazing Law, ikinatuwa ng pamilya Castillo

July 11, 2018 @ 5:47 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Ikinatuwa ng ina ng hazing victim na si Horacio ‘Atio’ Castillo III ang pagkakapasa ng bagong Anti-Hazing Act.

Sa isang text message nagpasalamat si Mrs. Carmina Castillo sa Pangulo at mga mambabatas dahil sa pagpapatupad ng bagong batas kontra hazing.

“We’re very happy We’re overjoyed. We are thankful to the President, the Congressmen and Senators for putting their hands together in this new law. This is for the next generation.”

Aniya, ito ay paunang hakbang na upang hindi na maulit ang sinapit ng kanyang anak.

“I understand it cost my son’s life but I believe marami pang matutulungan itong bagong batas na ito,” dagdag pa ng ina ni Atio.

Ngayong hapon ng Miyerkules ay nilagdaan na nga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na maglilimita sa lahat ng uri ng hazing.

Ang Republic Act 11053 or the Anti-Hazing Act of 2018, ay ang inamyendahang Anti-Hazing Law noong 1995 kung saan mas mataas na ang parusa sa sinumang mapatutunayang lumabag dito.

Matatandaang noong Marso ay niratipikahan na ang naturang bill matapos ang serye ng pagdinig ng pagkamatay ng hazing victim at law freshman ng University of Santo Tomas na si Atio Castillo. (Remate News Team)