Pagpasa ng medical reserve corps bill inihihirit sa Senado

Pagpasa ng medical reserve corps bill inihihirit sa Senado

December 6, 2021 @ 7:30 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Inihirit ni Anakalusugan Partylist Rep. Michael Defensor sa Senado ang agarang pagpasa sa panukalang batas na bubuo sa bagong Medical Reserve Corps (MRC).

Ayon kay Defensor, napakahalaga umano nito upang mapaghandaan ang iba pang mga pandemya na posibleng maranasan pa sa hinaharap.

“The bill is already with the Senate, after the House approved it in March. They ought to pass the measure forthwith,” aniya nitong Linggo, Disyembre 5.

Nasabi ito ni Defensor isang araw bago ang National Health Emergency Preparedness Day na ginugunita naman ngayong araw.

“We have to establish the MRC without delay to reinforce the country’s health system in times of public health emergencies, or severe health threats,” dagdag pa niya.

Kung babalikan umano, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang humiling sa Kongreso na ipasa ang naturang batas kasabay ng kaniyang ikalimang State of the Nation Address noong Hulyo.

Sa oras na maipasa, ang MRC ay pangungunahan ng Health Emergency Management Bureau of Department of Health (DOH).

Bubuuin naman ito ng mga licensed physicians, medicine graduates, medical students, registered nurse at iba pang allied health professionals na magpapalakas sa kahandaan ng bansa sa mga pangangailangang may kinalaman sa kalusugan.

Idedeploy rin ito bilang suporta sa Armed Forces Medical Corps sa panahon ng kaguluhan at kalamidad. RNT