Pagpasa sa 2022 P5T budget papaspasan na ng Senado

Pagpasa sa 2022 P5T budget papaspasan na ng Senado

December 12, 2021 @ 10:48 AM 10 months ago


MANILA, Philippines- Mamadaliin na ng Senado ang pagpasa sa panukalang 2022 P5 trilyong national budget bill sa Huwebes at ipapasa ang General Appropriations Bill (GAB) kay Pangulong Duterte makalipas ang isang linggo, base kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri nitong Sabado.

Sinabi ni Zubiri sa DWIZ na napagdesisyunan ng orihinal na Senate and House of Representatives bicameral conference committee panels na payagan si Senator Juan Edgardo β€˜β€™Sonny’’ M. Angara, chairman ng Senate Finance committee at head ng Senate panel, at ng kanyang House counterpart na plantsahin ang mga hindi magkatugmang probisyon sa budget bills.

β€œIf the original committee membership- 12 from the Senate and 20 from the Lower House – had been allowed to iron their disagreeing provisions, there is a big chance that the budget discussions would take a little longer and would continue until early next year,” ani Zubiri.

Sinabi rin ni Zubiri na malaki ang tiwala ng mga senador kay Angara.

Isa sa hindi mapagkasunduan ng panels ay ang budget na ilalaan para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Nais ng Lower House na bigyan ito ng P20 bilyon samantalang P10.8 bilyon naman ang panukala ang Senado.

Sigurado umano si Zubiri na maaaprubahan sa Huwebes ang napagkasunduang panukala.

Dagdag pa niya, pinapaspasan na ng Senado ang pagpaplantsa sa budget.

Kailangan umano ng plenary session sa Huwebes upang ipasa ito sa third at final reading, paliwanag niya.

Sakaling kailanganin itong trabahuhin ng mga senador sa Biyernes, gagawin umano nila ito. RNT/SA