Pagpasa sa full insurance coverage sa agrarian reform farmers, pinuri ng AGRI

Pagpasa sa full insurance coverage sa agrarian reform farmers, pinuri ng AGRI

February 2, 2023 @ 2:05 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinuri ni AGRI Party-list Rep. Wilbert T. Lee ang pagpasa ng House Bill 6680, na naglalayong pagaanin ang epekto ng mga natural na kalamidad sa mga apektadong agrarian reform beneficiaries na nagbibigay sa kanila ng buong insurance coverage.

“This is a big win for agrarian reform beneficiaries, especially those who live in areas that are becoming more and more vulnerable to the effects of climate change,” ani Lee.

“This measure is crucial for our food security efforts because we give farmers the chance to recover from the calamities that now occur more frequently. Winner Tayo Lahat dito dahil masisiguro ang supply ng pagkain,” dagdag pa ng solon.

Nauna nang inaprubahan ng House of Representatives ang HB 6680, na nag-aamyendahan sa Republic Act 6657, o ang Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988, upang isama ang buong insurance coverage para maibalik ang pagkalugi sa lahat ng kwalipikadong agrarian reform beneficiaries na aktibong namuhunan sa anumang lumalagong pananim o stock sa mga fisheries farm, production input, livestock, at iba pang farming implements.

Kasama sa mga compensable losses ang mga nalugi dahil sa sakuna, plant diseases, mga napesteng pananim, at pagkawala ng buhay o pinsala sa mga kwalipikadong benepisyaryo dahil sa aksidente o alinman sa mga nabanggit na dahilan.

Sa pagpasa ng HB 6680, si Lee ay nagpahayag ng pag-asa na aaprubahan din ng Kamara ang kanyang panukalang paggawa ng mandatory insurance para sa palay at iba pang mahahalagang pananim.

“The agriculture sector is at the forefront of the climate crisis, especially in our country which is hit by tropical cyclones more than any other country in the world. The passage of HB 6680 is a big step forward but more needs to be done,” giit ni Lee.

“A strong typhoon can easily wipe out months of hard work and deprive our farmers not only of their harvest for the Filipino consumers, but more importantly, their chance to support their families,” dagdag pa ng kongresista.

Ang House Bill 1298 ni Lee ay ginagawang mandatory ang insurance para sa mga itinuturing na “essential crops” at nagbibigay ng legal na batayan para sa National Food Authority na sagutin ang premium para sa mga mahihirap na magsasaka na napapailalim sa pantay na bahagi sa mga nalikom sa insurance.

“This will not only increase the income of the Philippine Crop Insurance Corporation but will also provide our farmers with the peace of mind that their agricultural endeavors will not be wasted as we continue to face climate change,” ayon pa sa mambabatas. RNT