Pagpasa sa Magna Carta for BHWs madaliin – Duterte

Pagpasa sa Magna Carta for BHWs madaliin – Duterte

December 23, 2022 @ 2:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umapela si Davao City Rep. Paolo Duterte sa Senado na agad na pagpasan ang pagpasa sa Magna Carta of Barangay Health Workers (BHW) upang agad na matugunan ang kapos na health care services lalo sa mga lalawigan.

Ang House Bill 6557 ay una nang naipasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara at naitransit na ito sa Senado noong Disyembre 14, 2022.

“There are at least a dozen bills in the Senate proposing a magna carta for barangay health workers that still need to be reconciled and consolidated into a substitute bill. We hope the Senate would be able to prioritize the passage of its counterpart measure of the magna carta when Congress resumes session next month,” pahayag ni Duterte.

Ipinaliwanag ni Duterte na ang community-based healthcare strategy ay matagal nang ipinatutupad ng bansa subalit ang batas para sa pangangalaga sa mga BHW ay wala pa.

“Once the magna carta is enacted into law, we can expects more people to volunteer their services and train as BHWs given the additional compensation and benefits that they will receive under the measure,” dagdag pa ni Duterte na isa sa pangunahing may akda ng panukala sa Kamara.

“The measure unanimously approved by the House on third and final reading tasks the Department of Health (DOH) to determine the ideal ratio of BHWs to the number of households. The DOH should also ensure that the total number of BHWs nationwide should not be less than one percent of the total population or at least one BHW per 20 households. This ratio should help address the lack of primary health care services in many communities, especially in remote areas,” giit pa nito.

Sa ilalim ng panukala ang mga BHW ay bibigyan ng P3,000 honorarium at P1,000 transportation allowance kada buwan, bukod pa dito ang hazard allowance na P1,000 kada buwan at subsistence allowance na P100 kada araw.

Ang mga accredited BHWs ay tatanggap din ng health at disability benefits, insurance coverage, vacation at maternity leaves gayundin ang cash gifts

“The proposed magna carta also grants a one-time gratuity cash incentive of not less than P10,000 “in recognition of the BHW’s loyalty and dedication and for having continuously and satisfactorily served at least [15] years,” dagdag pa ni Duterte.

Naaprubahan din sa final version ng panukala na naipasa ng Kamara ang panukala ni Duterte na bigyan ng 20% discount ang mga BHWs kahalintulad ng ibinibigay sa mga PWDs at senior citizens. Gail Mendoza