Pagpaslang kay Percy Lapid, kinondena ng QCPD Press Corps, PTFOMS

Pagpaslang kay Percy Lapid, kinondena ng QCPD Press Corps, PTFOMS

October 5, 2022 @ 4:50 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kinondena ng mga kasapi ng Quezon City Police Distict Press Corps (QCPDPC) ang ginawang pamamaslang kay Percy Mabasa o mas kilala na Percy Lapid.

Ayon kay Almar Danguilan pangulo, ng QCPDPC alam na lahat na may panganib sa buhay ni Lapid bunga ng mga matatalim na komentaryo nito sa kanyang programa at maaring may nasaktan ang taong nasagasaan ni Lapid na naging target niya sa kanyang komentaryo pero hindi ito maging dahilan para kitilin ang mamamayahag upang manahimik sa pagbubunyag ng katotohanan.

“Ang pagpatay kay Lapid at iba pang kasamahan namin sa industriya ay walang puwang sa isang malaya at demokratikong lipunan” saad pa ni Danguilan.

“Kami sa QCPD Press Corps ay nakikiisa sa panawagan ng iba’t – iba pang asosasyon ng mamamahayag, pamilya at kaibigan ni Ka Percy, sa gobyernong Marcos na magsagawa ng masusing imbestigasyon at panagutin sa batas ang mga taong nasa likod ng karahasan” dagdag pa ni Danguilan.

Ipinaaabot ng QCPD Press Corps ang taos pusong pakikiramay sa iniwang pamilya ni kaptid na si Percy. Tulad ng nakararami ay hangag din ng aming samahan ang hustisya.

Sa kabila naman ng pangyayari, patuloy pa rin ang QCPDOC na itataguyod malaya at ligtas na pamamahayag.

Nanawagan ang QCPDPC kay PNP chief General Rodolfo Azurin Jr. at NCRPO Acting Director PBGEN Jonnel Estomo na magsagawa ng malaliman pagsisiyasat upang matukoy ang mga salarin at madakip ang nasa likod na pagpatay kay Lapid.

Samantala, hiniling na rin ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) sa Department of Justice na bumuo ng hiwalay na task force upang tutukan ang kaso ng pagpatay kay Lapid.

“We received a letter from the PTFOMS recommending a separate task force to find out if it is work-related or non-work related,” sinabi ni DOJ Undersecretary Mico Clavano sa panayam ng CNN Philippines nitong Miyerkules, Oktubre 5.

“But we expect the PTFOMS to be at the forefront of the investigation in close coordination with the PNP (Philippine National Police) and the NBI (National Bureau of Investigation). They will work as one team,” dagdag pa niya.

Nagpaabot rin ng pakikiramay si Clavano sa pamilya at mga kaibigan ni Percy Lapid. Jan Sinocruz