Pagpaslang kay Percy Lapid, kinondena sa Senado

Pagpaslang kay Percy Lapid, kinondena sa Senado

October 4, 2022 @ 2:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Matinding kinondena ng dalawang senador ang pagpaslang kay Percy Lapid, kilalang hard-hitting journalist na lantarang bumabatikos sa katiwalian sa gobyerno, ng isang riding in tandem habang papalas ng kanilang subdivision sa Las Pinas nitong gabi ng Lunes.

Sa magkakahiwalay na pahayag, kapwa kinondena nina Senador Risa Hontivero at Robin Padilla ang naturang pagpaslang na itinuring nilang matinding pag-atake sa press freedom.

“This is a brazen attack on press freedom. But this also demonstrates the inherent power of speech and truth telling,” ayon kay Hontiveros

Ayon kay Hontiveros: “Sir Percy was a strong dissenting voice that made sure government officials did not become too comfortable with power. Ang pagpatay tulad ng kay Percy ay tila may pagpapahiwatig na kung kontra ka, kung kritikal ka, patatahimikin ka.”

Sinabi ni Hontiveros na hindi sila puwedeng patahimik ng pagpaslang kay Lapid kabilang ang iba pang journalists sa paglalantad ng katotohanan at katiwalian sa pamahalaan.

“Percy’s death, and all the deaths of all other journalists before him, will never silence us. We will never tolerate a society that is afraid of the truth. Patuloy nating ipaglalaban ang katarungan at katotohanan, para na rin sa ating mga anak,” ani Hontiveros.

“I join Percy’s family and friends in their grief and call for justice. I call on authorities to conduct an impartial investigation and speedily get to the bottom of this murder,” giit pa ng senador.

“To our friends in the media, I am with you. We will continue to hold the line with you,” patapos ng senadora.

Sa kanyang bahagi, sinabi naman ni Padilla na walang puwang sa ating lipunan ang ganitong karumaldumal na krimen, maging nasa media man, sibilyan, o unipormado man.

“Ang pagkakapaslang na ito sa isang mediaman ay pagyurak po sa malayang pamamahayag na pinagtitibay ng ating Saligang Batas,” giit pa ng senador.

“Ako po ay nakikiramay sa pamilya at sa mga mahal sa buhay na iniwan ni Percy – at nananawagan sa ating mga awtoridad na hulihin ang mga salarin at lutasin ang karumal-dumal na krimeng ito sa lalong madaling panahon,” aniya.

“Nakikiisa ako sa hangad ng taumbayan na magkaroon ng hustisya kay Percy, at mapatawan ng karampatang parusa ang mga pumaslang sa kanya,” patapos ng bagitong mambabatas. Ernie Reyes