Pagpaslang sa Akbayan lider sa Zamboanga, kinonenda ni Hontiveros

Pagpaslang sa Akbayan lider sa Zamboanga, kinonenda ni Hontiveros

November 4, 2022 @ 6:10 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Matinding kinondena ni Senador Risa Hontiveros ang brutal na pagpaslang sa lider ng Akbayan Partylist, si Richard “Butch” Cabilan, ang Municipal Environmental and Natural Resources Officer sa Dumingag, Zamboanga del Sur.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros, dumadalo si Butch, dating division secretary general ng Akbayan Zamboanga de Sur, sa pulong ng Agriculture Training Center nang barilin ito at mapatay ng tatlong di kilalang gunmen.

Aniya, bilang public servant, nakakaalarm ang madugong pag-atake na naganap mismo sa loob ng compound ng isang government facility.

“I strongly condemn the brutal killing of fellow Akbayan Party member Richard “Butch” Cabilan,” ayon kay Hontiveros.

Dahil dito, nanawagan si Hontiveros kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin na kaagad paimbestigahan ang ganitong political killing at umapela ang mambabatas na magsagawa ng kaukulang hakbang upang protektahan ang lahat ng civil servants at ating mamamayan.

“We must prevail against these evil acts that endanger our safety and our democracy,” ani Hontiveros.

Sinabi ni Hontiveros na malaking kawalan ang pagpaslang kay Cabilan dahil tumutulong ito sa komunidad upang masugpo ang kahirapan, kawalan pagkapantay-pantay at katarungan.

“I offer my deepest condolences to Butch’s family and friends at this difficult times. No family should ever experience a tragedy like this,” anang mambabatas.

“Give justice to Cabilang family! Stop political violence in Zamboanga del Sur,” dagdag niya. Ernie Reyes