Pagpaslang sa tatlong pari, iimbestigahan na ng Senado

Pagpaslang sa tatlong pari, iimbestigahan na ng Senado

June 13, 2018 @ 3:40 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan ni Senador Risa Hontiveros ang sunod-sunod na pagpatay sa alagad ng Simbahang Katoliko at tangkang pagpaslang sa isang pari, kamakailan, napag-alaman kahapon.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na inihain niya ang Senate Resolution no. 764 na naglalayon na imbestigahan ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang walang awang pagpaslang sa mga pari sa loob mismo ng simbahan.

Sa panayam, iginiit ni Hontiveros na tila tokhang na rin ba ang nagaganap na pagpaslang sa mga pari matapos na batikusin ang pamahalaan.

Nais ni Hontiveros na mabigyan ng hustisya ang mga biktima at mapanagot ang mga may sala.

Magugunita na pinaslang nitong June 10 sa loob mismo ng simbahan si Fr. Richmond Nilo ang Dioceses ng Cabanatuan, si Cagayan Priest Fr Mark Ventura noong April 28 na pinagbabaril ng riding-in-tandem matapos ang magmisa at si Fr Marcelito Tito Paez na isang human rights advocates na pinaslang noong nakaraang December 4.

Nakaligtas naman sa kamatayan si Fr. Rey Urmenda na pinagbabaril noong June 6. (Ernie Reyes)