Pagpasok ng fully vaxxed foreigners sa Pinas mas paluluwagin sa Abril- Malakanyang

Pagpasok ng fully vaxxed foreigners sa Pinas mas paluluwagin sa Abril- Malakanyang

March 25, 2022 @ 3:25 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Simula sa Abril ay hindi na kailangan ng mga inbound foreign travelers na fully vaccinated laban sa COVID-19 ang anumang entry exemption document.

“Fully vaccinated foreign nationals shall be allowed entry into the Philippines beginning April 1, 2022, at 12:01 a.m.,” ayon kay acting Deputy Presidential Spokesperson Kristian Ablan.

“Foreign nationals may enter the Philippines without need of an entry exemption document… provided that they comply with the applicable visa requirements and immigration entry and departure formalities,” dagdag na pahayag ni Ablan.

Matatandaang, ang bansa ay mayroong listahan ng mga teritoryo kung saan ang COVID-19 certificates ay kinikilala para sa entry protocols.

Ang listahan ay ina-update linggo-linggo.

Sa ilalim ng revised rules, ang mga fully vaccinated ay maaari nang makapasok ng bansa “as long as they are able to present to us acceptable proof of vaccination,” ayon kay Ablan.

“There is no more listing of which country the foreign national originates from,” aniya pa rin.

Ang mga tinatanggap na proof of vaccination ay mula sa WHO at sa Pilipinas.

Kinikilala rin ng bansa ang digital vaccination certificates mula sa mga bansa “which have accepted VaxCertPH under a reciprocal arrangement”, o iba pang proof of vaccination na pinapayagan ng COVID-19 task force.

Sinabi ni Ablan na ang vaccinated travelers ay hindi na required na pumunta ng facility-based quarantine. Subalit dapat na magsagawa ang mga ito ng self-monitoring sa loob ng isang linggo at mag-report ng kahit na anumang COVID-19 symptom sa lokal na pamahalaan.

Ang mga kabataan na may edad na 12 pababa ay papayagan na makapasok ng Pilipinas subalit kailangan na kasama ng mga ito sa kanilang pag-byahe ang kanilang fully-vaccinated foreign parents.

Aniya, kailangan na magpakita ang mga dayuhan ng negatibong RT-PCR test na kinuha 48 oras o laboratory-based antigen test na kinuha sa loob ng 24 hours bago pa ang kanilang departure.

“Their passports should be valid for at least 6 months when they arrive in the Philippines,” ayon kay Ablan.

Aniya, ang mga dayuhan ay kailangan na mayroong travel insurance para sa COVID-19 treatment na may minimum coverage na $35,000.

Matatandaang, binuksan na ang Pilipinas para sa fully vaccinated foreign tourists mula sa 150 bansa na mayroong visa-free arrangements.

Sinabi ng Department of Tourism na target ng Pilipinas na buksan ang bansa sa lahat ng dayuhan sa buwan ng Abril bunsod na rin ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.

“It’s timely because Asia is the last [region] to reopen to tourism and it starts with the Philippines,” ang pahayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat. Kris Jose