Pagpasok ng mga dayuhang magtatagal ng higit 30 araw oks sa IATF

Pagpasok ng mga dayuhang magtatagal ng higit 30 araw oks sa IATF

February 10, 2022 @ 3:37 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpasok ng mga dayuhan na nais na manatili sa Pilipinas ng lagpas sa 30 araw.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Nograles, inamiyendahan ng IATF ang guidelines nito sa ilalim ng Resolution 160-B kasama ang bagong ipinalabas na Resolution No. 160-D.

“Ibig sabihin, yung citizens coming from the 157 countries under EO408 series of 1960 as amended, who intend to stay beyond 30 days for purposes other than tourism or leisure, may enter the Philippines through an entry exemption document issued under existing IATF rules and regulations,” anito.

Ang mga byahero na ito ay kailangan na fully vaccinated maliban lamang para sa mga batang may edad na 12 taon pababa na bi-byahe kasama ang kanilang fully-vaccinated parents.

Kailangan na may dala ang mga ito na “acceptable proof of vaccination” at negatibong RT-PCR test na ginawa sa loob ng 48 oras bago pa ang petsa at oras ng kanilang departure mula sa bansang kanilang panggagalingan o first port of embarkation.

Nauna rito, sinabi ni Nograles na inaprubahan ng IATF ang naging rekumendasyon ng Department of Foreign Affairs na kilalanin ang COVID-19 vaccination certificate mula sa apat na bansa kabilang na ang Brazil, Israel, South Korea, at Timor Leste. Kris Jose