Cha-cha gugulong na sa Kamara

January 26, 2023 @8:48 AM
Views: 53
MANILA, Philippines – Tatalakayin na ngayong araw sa House Committee on Constitutional Amendments ang deliberasyon nito sa kontrobersiyal na Charter Change (Cha-cha).
Noon pang nakaraang taon sinimulan ng panel sa pamumuno ni Cagayan de Oro City 2nd district Rep. Rufus Rodriguez ang pagtalakay sa Cha-Cha ngunit naputol ito dahil sa Christmas break, sinabi ni Rodriguez na ngayong balik-sesyon na muli ang mga mambabatas sa Kamara ay magsasagawa na ang panel ng marathon hearing.
Walong panukala ang nakabinbin sa Kamara na nagsusulong na baguhin ang Saligang Batas, ilan sa isyung pagdedebatihan ng panel ay ang panukalang term extension kung saan isinusulong na ang Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa ay magkakaroon ng 5 year term at papayagan ang one-time reelection, gayundin ay gagawin nang tandem voting kung saan ang mananalong Pangulo at Pangalawang Pangulo ay galing sa iisang partido.
Sa elective local officials ay gagawing five-year term at papayagan ang 2 beses na reelection.
Pagdedebatihan din kung ang gagawing pagbabago sa Saligang Batas ay sa pamamagitan ng Constitutional Convention o constituent assembly, una nang sinabi ni Rodriguez na mas mainam na gawing constitutional convention upang maalis ang duda ng publiko sa mga ang isinusulong na political amendments o term extension ay para sa pansariling interes ng mga mambabatas.
Bukod sa ilang economic amendments, isa pa sa nais baguhin sa Charter Change ay ang paraan ng pagpili sa Chief Justice, sa halip na ilagay sa Pangulo ng bansa ang kapangyarihan sa pagpili ng Chief Justice ay ang mga mahistrado ng Korte Suprema ang siyang aatasan na pumili ng kanilang magiging leader kung saan 3 pangalan ang isusumite ng Pangulo na sIyang pagpipilian ng mga mahistrado. RNT
Karwahe sa libing nabundol; kutsero, kabayo diretso hukay

January 25, 2023 @10:31 AM
Views: 79
MANILA, Philippines – Direcho libingan na rin ang kutsero at kaniyang kabayo nang mabangga ng isang truck ang kanilang karwahe na may sakay na ataol sa San Nicolas, Ilocos Norte.
Isasakay raw sana sa karwahe ang isang ililibing sa sementeryo nang mabundol ito ng kasunod na truck. Sa lakas ng pagkakabangga, nawasak ang karwahe at agad na nasawi ang kabayo.
Nagawa pang isugod sa ospital ang kutserong kinilalang si Dominador Domingo, 53-anyos, pero pumanaw din kinalaunan.
Sumuko naman sa pulisya ang driver ng truck. RNT
Ika-124 anibersaryo ng 1st PH Republic, gugunitain sa Bulacan

January 21, 2023 @4:36 PM
Views: 153
MANILA, Philippines- Gugunitain ng provincial government ng Bulacan ang ika-124 anibersaryo ng Unang Republika ng Pilipinas sa Lunes.
Ipagdiriwang ang anibersaryo na may temang “Unang Republikang Pilipino: Gabay Tungo sa Napapanahong Pagbabago”, sa Barasoain Church sa City of Malolos mula alas-8 ng umaga.
Sasamahan sina Bulacan Gov. Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alexis C. Castro ni District 1 Rep. Danilo A. Domingo bilang honorary guest sa flag-raising at wreath-laying ceremonies.
Sa gitna ng pag-unlad, tiniyak ni Fernando na mananatili sa puso ng mga Bulakenyo ang pagmamahal sa bayn at paggalang sa lalawigan.
“Sa modernisasyon at kaunlarang kinakaharap ng ating lalawigan, nais kong ipinta sa mga puso’t isip ng bawat Bulakenyo ang kahalagahan ng araw ng pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Ito ay araw ng pagdakila sa ating mga ninuno na inilaban ang demokrasya; ito ay araw ng pagkilala sa lalawigan bilang mahalagang bahagi ng kasaysayan,” anang gobernador.
Dadalo rin sa programa si Bulacan Provincial Police director Col. Relly B. Arnedo; Executive Director Carminda R. Arevalo, officer-in-charge ng National Historical Commission of the Philippines; City of Malolos Mayor Christian D. Natividad, at department heads at ilang empleyado ng provincial government ng Bulacan. RNT/SA
PBBM sa Davos: Ekonomiya ng Pinas lalago ng 7% sa 2023

January 18, 2023 @8:02 AM
Views: 140
MANILA, Philippines – Inaasahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makapagtatala ang Pilipinas ng 7% economic growth ngayong 2023 gamit ang malakas na macro-economic fundamentals.
Sa kanyang pambungad na pananalita sa idinaos na Country Strategy Dialogue sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, tinukoy ng Pangulo ang International Monetary Fund (IMF) projection para sa 2023 global economic growth, magiging 2.7% lamang, mas mabagal sa 3.2% na naitala noong nakaraang taon, sinasabing makabuluhang pagbaba mula sa 6% noong 2021.”
“But for the Philippines, we project our economy to grow by around 7.0 percent in 2023,” ang wika ni Pangulong Marcos.
Tinuran pa ng Chief Executive na ang Pilipinas ay “strong macroeconomic fundamentals, fiscal discipline, structural reforms and liberalization of key sectors instituted over the years have enabled us to withstand the negative shocks caused by the pandemic and succeeding economic downturns and map a route toward a strong recovery.”
“We have seen inflation accelerating globally in recent months… We are mindful that while protectionist policies may be appealing, even necessary in the short term, there will ultimately be no long-term winners,” aniya pa rin
“We join the call for all governments to unwind any trade restrictions and reinforce our commitment to the World Trade Organization (WTO) reform,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose
Araw ng Mangingisda ipinagdiwang sa Navotas

January 17, 2023 @2:00 PM
Views: 113