Pagpasok ng SpaceX sa Pinas pinapaspasan na ng DTI

Pagpasok ng SpaceX sa Pinas pinapaspasan na ng DTI

April 6, 2022 @ 4:00 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Target ng Department of Trade and Industry (DTI) na mapinalisa ang pagpasok ng Space Exploration Technologies Corp.’s (SpaceX) ni Elon Musk sa Pilipinas sa natitirang tatlong buwan ng Duterte administration, ayon sa pinuno ng ahensya nitong Miyerkules.

“[It’s] ongoing, we’re helping them… We want to fast-track also. We are completing their documents,” ani Trade Secretary Ramon Lopez.

“They’re (SpaceX) rushing their registration to the SEC (Securities and Exchange Commission) so that they will have a corporation here, which is, of course, a requirement if they register to the BOI (Board of Investments),” dagdag pa niya.

Nauna nang ianunsyo ng DTI na inihahanda na ang pagpasok ng SpaceX sa bansa upang magbigay ng internet services.

“Within this year. Hopefully, within the last three months of President Duterte they can enter,” sabi ni Lopez.

“Their review is ongoing and they’re rushing it,” aniya pa. RNT/SA