Pagpasok ng taong 2023, magiging maganda – Concepcion

Pagpasok ng taong 2023, magiging maganda – Concepcion

November 15, 2022 @ 3:06 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Magiging maganda ang pasok ng taong 2023 sa bansa. 

Isa sa itinuturong ni barometro  ni Go Negosyo Founder Joey Concepcion  ay ang gagawing pagpreno sa interest rate sa susunod na taon ng Estados Unidos. 

Puwede rin aniya itong mangyari  sa ikalawang bahagi o 2nd quarter ng  taong 2023. 

Winika pa nito, mas magiging maganda ang 2023  kung magkakaroon na ng kapayapaan at matigil na ang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine 

Kapag nangyari aniya ito, sinabi ni  Concepcion na babagsak  lahat ang presyo ng mga pangunahing bilihin na aniya’y isang magandang balita para sa ekonomiya ng bansa lalo’t maluwag na ang protocol at nagbubukas na ang halos lahat ng negosyo. 

“Well, ang magandang balita dito, talagang iyong public-private sector ng …between the Philippine government and the private sector is really doing well and we are really helping one another. And we want everybody to really have a merry Christmas this coming November-December,” ayon kay Concepcion. 

 “At we are trying to open as much as possible the entire … and removing all the protocols and looking forward to the year 2023. Importante kasi, nakita natin about a year ago, when we did early lockdown, and we saved the fourth quarter. Ngayon, wala tayong lockdown so hopefully tuluy-tuloy na ito. Of course, may giyera pa rin dito sa Russia-Ukraine; may konting … Ukraine, na may mga bagong balita diyan,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose