Pagpasok ng tropical depression Odette sa PAR bukas binabantayan ng gobyerno

Pagpasok ng tropical depression Odette sa PAR bukas binabantayan ng gobyerno

December 13, 2021 @ 3:12 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Mahigpit na nakabantay ang gobyerno sa Tropical Depression Odette, na ayon sa weather forecasters ay maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility bilang matinding tropical storm bukas ng gabi.

Kasalukuyan namang naghahanda ang National Disaster Risk Reduction and Management Council at nakikipagtulungan at nakikipag-ugnayan sa mga regional at local disaster risk reduction and management councils upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Iniulat ng Department of Social Welfare and Development na “as of Sunday, December 12,” mayroon itong available stockpiles at standby funds na inilaan sa disaster response.

“We ask everyone, especially those residing in affected areas, to keep up to date with the latest weather advisories and bulletins, to take precautionary measures, and to cooperate with local authorities should there be a need for evacuation or other necessary actions,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.Β Kris Jose