Pagpasok sa Navotas hinigpitan

Pagpasok sa Navotas hinigpitan

July 9, 2021 @ 8:36 AM 1 year ago


Manila, Philippnes – NAGPATAW ng mga paghihigpit ang lokal na pamahalaang Navotas upang mapanatiling protektado ang mga residente laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), sa mga lugar sa labas ng NCR Plus.

Kabilang dito ang essential at non-essential na paglalakbay kabilang ang mga indibidwal na magmumula sa Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna.

Lahat ng bibisita sa Navotas ay kailangang magparehistro sa s-pass.ph at magsumite ng mga dokumento tulad ng medical certificate buhat sa health office na pinagmulan na hindi ito COVID patients o hinihinalang may kaso ng pandemya.

Kailangan din na magsumite ng negatibong resulta ng RT-PCR swab test, barangay certificate na hindi na kailangan pang sumailalim ng quarantine at address ng patutunguan sa Navotas.

“The travel restriction is a precautionary measure to ensure that we will not suffer again another surge of COVID cases. We saw an influx of cases and high transmission rates in places outside of NCR Plus. We need to implement additional safeguards to keep our people safe,” ani Navotas City Mayor Toby Tiangco.

“While our cases remain low, they are steadily increasing that is why we need to be extra careful and proactive in our fight against this deadly and ever-changing virus,” dagdag pa ng alkalde.

Ayon sa ulat ng OCTA Research, ang Navotas ay nakapagtala ng maliit na bilang ng bagong kaso kada araw noong June 25 – July 1 kumpara sa ibang lugar sa Metro Manila.

Mula July 6, ang Navotas ay may 11,088 kaso ng COVID-19 kung saan 10,619 ay gumaling, 371ang nasawi at 98 ay aktibo.

Ang S-PaSS ay isang online travel management system na binuo ng Department of Science and Technology (DOST) na nagsisilbing online communication and coordination platform para sa mga local government units, monitoring agencies at mga manlalakbay. (R.A Marquez)