Pagpataw ng price cap ni Digong sa 34 gamot, pinuri ni Duque

Pagpataw ng price cap ni Digong sa 34 gamot, pinuri ni Duque

December 10, 2021 @ 9:51 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Pinuri ng Department of Health (DOH) ang pagpapalabas ng Executive Order (EO) No. 155, na nagdagdag ng 34 drug molecules sa listahan ng mga gamot na may mandatory price caps.

Ang EO, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Disyembre 7, ay bahagi ng kasalukuyang layunin ng administrasyon na gawing mas abot-kaya ang mga gamot para sa mga Pilipino.

Sa pangkalahatan, mayroon na ngayong hindi bababa sa 120 drug molecules sa ilalim ng Maximum Drug Price List mula noong ipinatupad ang unang round ng mga pagbabawas sa presyo noong Hunyo 2020.

“We thank the Office of the President for making affordable medicines a significant focus of our Universal Health Care agenda as evidenced by this unprecedented move to broaden the list of medicines under the maximum drug retail price scheme. UHC ensures that every Juan and Juana has access to affordable medicines,” ayon kay Health Secretary Francisco T. Duque III.

Sinabi ng kalihim na dumating sa pinakaangkop na oras kung saan milyun-milyong Pilipino pa rin ang nahirapan sa epekto sa kalusugan at ekonomiya dahil sa pandemya dulot ng COVID-19.

Dagdag pa ng kalihim na ang mandatory price reduction ay welcome gift para sa maraming Filipinong pasyente na nakikita ng DOH bilang isang panukalang nagpapagaan ng kahirapan kasama ng iba pang mga hakbang na ipinatupad ng whole-of-government upang mapabuti ang access sa mga gamot tulad ng VAT exemptions at medicines access programs para sa mga pangunahing sakit. Jocelyn Tabangcura-Domenden