Pagpatay kay Degamo, planado na mula Disyembre – SITG

Pagpatay kay Degamo, planado na mula Disyembre – SITG

March 10, 2023 @ 1:52 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng mga imbestigador na planado na Disyembre pa lamang ang pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sa pulong balitaan nitong Huwebes, Marso 9, sinabi ni Lt. Col. Gerard Ace Pelare, spokesperson ng Special Investigation Task Group (SITG) Degamo, na inamin ng isa sa mga gunmen na nagtipon-tipon sila ng 17 tukoy na suspek noon pang Disyembre upang pag-aralan ang galaw ni Degamo at planuhin ang gagawing pag-atake.

ā€œThey were gathered, they were briefed in a particular place, in a safe house, so that when they have an opportune time, they will launch the attack,ā€ ani Pelare, sabay sabing ang mga ito ay nagmula pa sa Visayas at Mindanao.

Noong Marso 4, matatandaan na pinagbabaril-patay si Degamo at walo iba pa ng nasa 12 kalalakihan na nakasuot ng military uniform sa loob mismo ng tirahan ng gobernador sa Pamplona, habang namamahagi ito ng ayuda sa mga residente.

Hindi naman pinangalanan ni Pelare ang kanilang hinihinalang mastermind ngunit sinabing nasa kustodiya na nila ang apat na mga suspek na sina Joric Labrador, Joven Javier, Benjie Rodriguez at Osmundo Rivero— at lahat sila ay pumayag na makipagtulungan sa kaso.

Ayon naman kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, posibleng tatlo hanggang apat na tao ang nasa likod ng pagpatay.

ā€œIt’s a conspiracy, but there is a mastermind. There may be three or four people who conspired, made the plan and hired others … that’s what we’re studying now,ā€ ani Remulla told.

Nang tanungin naman kung kasama ba sa mga suspek si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., tugon niya:

ā€œWe’re investigating everybody who may have something to do with what has been happening in Negros Oriental. Bar none. We are not exempting anybody.ā€

ā€œWhat I know is that Congress gave Congressman Teves until today to return home from the US. No extension was given to him. So we’re hoping that he’ll return home,ā€ pagpapatuloy ni Remulla.

Aniya, ā€œthere are many other murder cases that are being rooted about that were mentioned to us that we have to investigate further.ā€œ

Sinabi pa ni Remulla na may mga pangalang binanggit sa kanila kasabay ng kanilang pagbisi at inatasan na ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang mga ito.

Si Remulla at ilang pang opisyal ay kasama sa pagdalaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lamay ni Degamo sa Dumaguete nitong Huwebes, Marso 9. RNT/JGC