Pagpatay kay Tanauan, Batangas Mayor Halili, kinondena ng Malakanyang

Pagpatay kay Tanauan, Batangas Mayor Halili, kinondena ng Malakanyang

July 2, 2018 @ 10:51 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kinondena ng Malakanyang ang nangyaring pamamaril na nagresulta sa pagkamatay ni Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili kanina.

 

Nangako si Presidential spokesperson Harry Roque sa pamilya at sa mga taga-Tanauan na bibigyan ng katarungan ang nangyari kay Mayor Halili.

 

“Ngayon po noh? ang importante ay iyong katarungan. Hindi po puwede na ang mga Alkalde ng bayan natin ay nababaril na lang lalo na ang Tanauan ay malapit sa Maynila,” ani Sec. Roque.

 

Masusi aniyang tututukan ng mga awtoridad ang pangyayaring ito para sa ikaa-aresto ng mga nasa likod ng pagpaslang.

 

Nauna rito, nakiramay ang Malakanyang sa mga naiwang mahal sa buhay ni Halili.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque na may takdang panahon para maimbestigahan ang pagkakasangkot ni Halili sa ilegal na droga.

 

Sa ngayon ay pakikidalamhati at pakikiramay muna ang isipin ng lahat.

 

Si Halili ay tinanggalan ng superbisyon sa pulis ng Napolcom noong Nobyembre ng nakalipas na taon dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga. (Kris Jose)