Pagpatay ng parak sa 19 anyos sa Pampanga  tututukan ng CHR

Pagpatay ng parak sa 19 anyos sa Pampanga  tututukan ng CHR

November 26, 2021 @ 12:18 PM 2 days ago


Manila, Philippines – Magsasagawa ang Commission on Human Rights (CHR) ng kanilang imbestigasyon sa pagpanaw ng 19 anyos sa Pampanga dahil sa baril ng pulis.

Sa ulat, kinilala ang biktimang si Abelardo Vasquez, 19 na nasawi noong Nobyembre 20 nang barilin ni Police Corporal Alvin Pastorin, intel officer ng Pampanga Police Provincial Office.

“The Commission on Human Rights is launching a motu proprio investigation into the death of a teenager, who was said to have been shot by a police officer last 20 November following an altercation,” saad ng abogadong si lawyer Jacqueline Ann de Guia, CHR spokesperson.

“Pending the results of the investigation, we continue to urge our law enforcers to always exercise maximum tolerance and patience in dealing with situations of peace and order.”

“Use of excessive force which is unwarranted and not proportional to the violation committed is prohibited by the PNP operational procedures and must be dealt with accordingly,” dagdag pa nito.

Samantala, nahaharap naman si Pastorin sa kasong homicide at kasalukuyang nakapiit sa Bacolor Municipal Police Station. RNT/FGDC