Pagpatay ng pulis sa 52-anyos na babae iimbestigahan ng CHR

Pagpatay ng pulis sa 52-anyos na babae iimbestigahan ng CHR

June 1, 2021 @ 6:50 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Magsasagawa ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagpatay ng isang pulis sa isang 52 anyos na babae sa Quezon City.

“We expect our police to ‘serve and protect,’ and not be at the frontlines of violating rights, let alone arbitrarily curtailing one’s right to life,” giit ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia.

Giit nito na “gravely concerning” ang pagbaril ni Police Master Sergeant Hensie Zinampan na umano’y lasing kay Lilibeth Valdez sa isang tindahan.

Naaktuhan sa isang video ang pagpatay ni Zinampan kay Valdez.

Anila tinatakot ng pulis ang pamilya ng biktima matapos makipagsuntukan ito sa anak ni Valdez nitong Mayo.

“After a string of recent deaths and killings being attributed to police officers, we urge the PNP to translate commitments of internal cleansing into actual reduction of cases of human rights violations on the ground,” giit ng CHR.

“One death is one too many. We urge the government to address these violations with the larger view that the protection of human rights is primarily a State obligation,” dagdag ng komisyon.

Sinampahan na ng administrative charges si Zinampan.

Matatandaan na isa ring pulis ang kumitil sa buhay ng isang mag-ina sa Tarlac nitong nakaraang taon. RNT/ELM