Pagpatay sa 2 aktibistang nahuling nag-vandalize pinaiimbestigahan ni Eleazar

Pagpatay sa 2 aktibistang nahuling nag-vandalize pinaiimbestigahan ni Eleazar

July 28, 2021 @ 2:24 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar na magkasa ng imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang aktibistang nag-vandalize ng protest slogan sa Albay.

Ipinasailalim na ni Eleazar sa restrictive custody ang dalawang pulis na sangkot habang gumugulong ang imbestigasyon.

“Upang maalis ang mga haka-haka at alegasyon tungkol sa pagkamatay ng dalawa umanong aktibista sa Albay, inatasan ko na ang [PNP] Internal Affairs Service… na tutukan at pabilisin ang isinasagawang imbestigasyon upang bigyan ng linaw kung ano ba talaga ang nangyari dito,” saad ng PNP chief.

Umapela rin ito sa publiko na hintayin ang resulta ng imbestigasyon sa insidente.

Lahad ng human right groups, binaril ng mga pulis ang dalawang aktibista matapos mahuling nagpipinta ng anti-administration graffiti sa isang tulay.

Ngunit ayon sa pulisya, armado ang mga ito at nanlaban sa mga pulis.

Naganap ang insidente bago ang huling State of the Nation Address nitong Lunes. RNT/ELM


  •  
  •  
  •