Pagpatay sa 2 parak tututukan ng PRO-3

Pagpatay sa 2 parak tututukan ng PRO-3

December 4, 2022 @ 9:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ipinag-utos na ng hepe ng Police Regional Office sa Central Luzon (PRO-3) nitong Sabado, Disyembre 3 ang malalimang imbestigasyon sa nangyaring pagbaril-patay sa dalawang miyembro ng Mabalacat City Police Station Drug Enforcement Unit.

Ayon kay Brig. General Cesar Pasiwen, PRO-3 regional director, inatasan na niya si
Pampanga Police Provincial Director, Col. Levi Hope Basilio, na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang agad na mabigyang-hustisya ang pagkasawi nina
Senior Master Sergeant Sofronio Capitle Jr. at Staff Sergeant Dominador Gacusan Jr.

“No stone will be left unturned and we are exerting all efforts to give justice to the slain cops,” pahayag ni Pasiwen.

Sa imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang dalawang biktima sa Dau, Mabalacat City, Pampanga mula sa isang anti-illegal drug operations madaling araw ng Sabado nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng limang hindi pa nakikilalang suspek.

“The suspects then alighted from their motorcycles and shot the victims, who had already fallen on the pavement, at point blank range on their heads that resulted in their untimely death,” saad sa ulat.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay nakasuot ng bonnet at armado ng hindi pa tukoy na kalibre ng mga baril. RNT/JGC