Pagpatay sa Basilan mayor kinondena ni Rep Hataman

Pagpatay sa Basilan mayor kinondena ni Rep Hataman

December 6, 2021 @ 5:00 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Hiniling ni dating ARMM Governor at ngayon ay Basilan Rep Mujiv Hataman sa mga awtoridad na tutukan ang kaso at matukoy agad ang nasa likod ng pagpatay kay Albarka Basilan Mayor Darussalam Lajid.

Ayon kay Hataman lubhang nakalulungkot ang insidente dahil kagaya niya, ang tanging hangad ni Mayor Lajid ay kaunlaran at kaayusan sa Basilan.

“This violent crime has no place in a society that is deeply anchored on peace and a shared faith. I condemn the people behind the shooting, and I call on the authorities to thoroughly investigate,” pahayag ni Hataman.

“Hindi man kami magkasama sa partido, pare-pareho kaming mga Basileño nila Mayor Lajid at Mayor Salih na naghahangad ng mabuti para sa aming lalawigan at mga kababayan. Sa katunayan, matalik ko silang kaibigan at kasama sa Basilan Peace Riders at sa Basilan Practical Shooters Association,” dagdag pa nito.

Si Lajid at ang bodyguard nito ay nasawi matapos tambangan ng apat na armadong lalaki sa bayan ng Baliwasan alas-8:31 ng umaga.

Ayon kay Lt. Agnes Miro, Zamboanga City police spokesperson na si Lajid at ang bodyguard nito ay binawian ng buhay  habang patungo sa ospital habang ang kasama nilang si  Akbar Mayor Alih Awal Salih ay kasalukuyang nasa  kritikal na kondisyon.

Ang dalawang alkalde ay naglalakad patungo sana sa isang mosque sa Baliwasan seaside nang pagbabarilin ng apat na lalaking nakasakay sa motorsiklo. Gail Mendoza